PLANETANG 40

2K 81 20
                                    

CHACHI'S POV



Hindi ko alam pero parang tinotopak na yata tong wedding coordinator nina Yoorai at Jungkook. Pinapalakad nila kasi kami ni Taeh at ang tagal tagal. Duh!!! Di naman kami yung ikakasal eh! Bakit saamin siya nagfofocus?! Eh maayos naman pero paulit ng paulit. -_-

"From the top!!!" sigaw nito kaya napasimangot ako at hinarap ko na siya. Nakakainis na eh!

"Excuse me? Maayos naman yung paglalakad namin ah! Bakit pinapaulit mo nanaman?!!!" sabi ko at tiningnan lang ako nito. Aba bastos to ah!

"S-Sorry ha. Maldita lang kase talaga tong friend ko." sabi ni Yoorai at tinutulak ako pabalik kay Taeh. "Ulitin niyo nalang kase." bulong niya saakin kaya umirap ako at sumunod nalang.

Bumalik kami ni Taeh sa labas at papasok na pero nang dahil sa inis ko, naapakan ko yung paa niya. "Aray!" sigaw niya at hinawakan ang paa niya. OA nito.

"Wow sorry." sabi ko at hindi na siya pinansin pagkatapos.

"Ikaw na nga tong umapak saaken ikaw pang nagsusungit! Tss." sabi niya at pinahawak ako sa braso niya. "Bilisan mo nga para matapos na to oyy."

"Wag mokong utusan." kapal ng mukha.

Naglakad na kami at naiinis ko siyang hinawakan sa braso niya. Hinigpitan ko pa nga pero siniko niya lang ako. Nakakainis!!!! Sarap sapakin ng baklang wedding coordinator na to eh. Halata namang nagnanasa lang sa elyen nato kaya paulit ulit para mahawakan niya!

"Pwede na yon?!" sabi ko at tinaasan ng kilay yung bakla.

"Konting ngiti pa. Para kaseng napipilitan lang kayo. Dapat yung natural tsaka convincing!" wag mo sabihing ipapaulit mo nanaman! Ipapalaklak ko sayo yung sapatos ko. "Okay pwede na kayong magpahinga. Next! The bride and the groom........" anakng! Akala ko ipapaulit niya subukan niya! Magiging deretso yang baklang yan.

Umupo na ako sa isang pwesto at nakakailang dahil tinabihan ako ni Taeh. Anong problema nito? One week na ang nakalipas simula nung inannounce nina Yoorai at Jungkook na magpapakasal sila pero ngayon lang ang practice kaya di kami sanay... Tsaka.... Bakit ba kami naiilang eh....nagkasama na nga kami sa altar noon.

Tiningnan ko si Taeh nang hindi niya nahahalata. Mula noo, hanggang sa baba niya. Bakit ba napaka-perpekto ng lalaking to? Bakit feeling ko, siya ang pinakagwapong lalaking nakita ko? "Tss." nasabi ko kaya napatingin siya saakin.

"Napano ka?" tanong niya at tinarayan ko lang siya. Di ko alam bakit nasanay akong maging masungit sa ibang tao. Ano ba kaseng meron saakin at hindi ko kayang bumait sakanila? Ihhhhh.

"Wala..." sagot ko at nagulat ako nang nakatingin siya sa legs ko at hinawakan yung nasugat ko noon kase ayaw akong ibaba ni Mark. Hinawakan niya lang at napangisi siya. Loko to. Masaya pa yatang nasugatan ako. "O-Oyy anong ginagawa mo?" tanong ko pero tiningnan niya lang ako ng masama. Oo masama kase nakakatakot yung eyeliner niya huhuhubels. Makapal pa eyeliner nito saakin eh.

Tumingin siya sa ibang direksyon pero nakahawak parin sa legs ko. Naimagine niyo?!!!! Ang laswa diba? Pero bat ganon? "Bakit ka niya sinugat? Sa pagsasama natin, iniwasan kong masugatan ka ng ganyan tapos dahil sa kalandian ng Mark na yun nagkasugat ka pa sa legs mo." talaga?! Tss. Napangiti ako ng mapait at pumasok sa isip ko..... Iniwasan niya akong masugatan? Not physically....but emotionally..... Siya nga yung nagsugat saakin eh kung bakit ako bumalik sa Chachi na walang alam kundi magsungit.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Where stories live. Discover now