PLANETANG 28

2.5K 94 22
                                    

Warning: May SPG Scene ^_^ kaya yung mga nagbabasang inosente dyern, lumalayas layas muna pansamantala hahahaha.

+++

[Chachi’s POV]

Tumulo ang luha ko hanggang sa maabot na ni Taeh ang kamay ko. Waaaaah grabeng surprise naman to eh! Lalo tuloy akong naiinlove sakanya. Nginitian nanaman niya ako at nakita ko siya na napatulo ang luha mula sa mata. Magulat ka kung galing sa bibig. Hahaha iba na tawag dun. Pinunasan ko ito at binitawan ko yung bulaklak na hawak ko para yakapin siya. Niyakap ko talaga siya ng mahigpit.

“Gusto ko ipaalam sakanila kung sino ang asawa ko. Ayoko na itago pa to Chachi. I want you to know that I love you so much.” sabi ni Alien at hinalikan ako sa labi. Humawak ako sakanya at napangiti habang hinahalikan niya ako. Waaaaah hindi ko kakayanin kapag nawala saakin ang alien na to. Mahal na mahal ko to.

Humarap na kami kay father at grabe eh noh! Wedding after graduation ball? Syempre ang mga bisita yung mga students din at ibang kamag anak namin. Nang magpromise na kami, “You may now kiss the bride.” sabi ni father at hindi pa nga tapos si Father hinalikan ko na siya.

Nakakahiya man pero gusto ko din naman ipaalam sakanila sino ang asawa ko huhuhu ang gwapo niya kaiyak. Hinalikan ko siya at sinagot naman niya kaya napangiti ako habang hinahalikan siya. Ang bango niyaaaa! Ano bang perfume nila sa ibang planeta?! HahahahaXD

Putek ngayon ko lang nagets bakit white ang gusto niyang ipasuot saakin. Dahil pala may surprise siya eh! Sus! Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at napatingin naman ako sakanya. Yieee ang gwapo ng asawa ko at kinikilig tuloy ako lalo hahaha.

Nagpicture picture kami at nang nasa labas na, pumarada sa harap namin ang isang Mercedes Benz.

“Oh mga anak, mag iingat sa pag-uwi.” sabi ni Mama; mommy ni Taeh kaya hinalikan ko siya sa pisngi at pinagbuksan na ako ni Taeh ng pinto. Sumakay na kami at nagwave lang ako ng goodbye kina Mama. So syempre kami nalang ni Taeh at yung driver.

“Grabe ka. Yung surprise mo nakakagulat.”

“Malamang. Surprise nga eh.” oo nga nuh. Ang tenge ke. Hahahaha syempre nadala lang ng kagwapuhan niya. At dahil pahiya ako, di na ako nagsalita at inirapan siya. “Uy joke lang to naman.” sabe niya at ginulo ang buhok ko sabay kiss saakin sa pisngi. Gaaaahd nararamdaman ko yubg hininga niya sa leeg ko at... Nakikiliti ako alam niye be yen? Huhuhuhu. Ang hot niya.

“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong ko sa ASAWA ko. Yeah. Capslock oara damang dama mo! Hahahaha.

“Sa condo.”

Medyo basag. Umasa ako ng honeymoon. T^T

“Ahhhh.” sabi ko nalang at naramdaman ko yung pag-akbay niya saakin. Tumingin ako sakanya at parang wala lang sakaniya. Sus. Lalakeng to! Dumadamoves nanaman!

Tinanggal ko yung kamay niya at tinitingnan ko lang kung anong reaksyon niya. Nagulat ako ng akbayan niya ulit pero this time, mas malapit na ang mukha niya. “Sige. Kapag tinaggal mo, isang kiss.” tumigil siya at tiningnan ako ulit. “Teka alam ko na. Lagi mong tatanggalin para may kiss ka noh? Hahaha style mo Chachi ha.” nababaliw nanaman ang lalaking to.

“Hinde noh!” sabe ko pero sa totoo lang yun naman talaga ang naisip ko. Huehuehue nilalambing ko lang naman ang asawa ko ah. Masama ba? Huhuhuhu heyt yuuuu! T^T at yown nga.

Bumaba na kami at nkakagulat talaga ang pinaggagawa ng lalaking to. Binuhat niya ba naman ako ng bridal style kaya hiyang hiya ako sa mga nakakakita. Pero shet! Gusto ko sanang ipakita ang mukha ko para ipagmalaki na asawa niya ako pero huehuehue nakakahiya yung ginagawa ni Taeh.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Kde žijí příběhy. Začni objevovat