PLANETANG 23

1.8K 85 5
                                    

[Yoorai's POV]

Nanlalaki ang mata, gulat na gulat at napa-nganga! Yan ang reaksyon naming lahat ngayon. Bakit?! Sina Chachi at Taeh kase nakakabigla! O_O hindi lang kami kundi kasama pati ang parents nila.

"Oo, tuloy na ang kasal namin ni Taeh." sabi ni Chachi at itinaas ang kamay nilang dalawa ni Taeh na may singsing. A-Ano daw?! Nabibingi na ba ako?! Tiningnan ko si Kookie at mukhang hindi nga ako namali ng dinig! Ikakasal sila!

"T-Teka, ang bilis niyo naman yata. Parang kelan lang halos di na kayo mapagdikit ah." sabi ni Kookie at gulat na gulat din. Ngumiti lang si Chachi saamin habang si Taeh walang reaksyon. Alam ba ni Taeh na ikakasal sila ni Chachi?! Baka kase hinde.

"Best, baka naman ikaw lang ang nakakaalam na ikakasal kayo..." natatawang sabi ko at ngumuso kay Taeh. Nagets namin ito ni Chachi kaya tiningnan niya ako ng masama.

Ngumiti ito kay Taeh at mukhang nabalik naman si Taeh sa katinuan.

"So ibig sabihin, gusto n-niyong i-ituloy ang kasal?" nauutal na sabe ni Tita Alice na ina naman ni Chachi. Tumango lang silang dalawa. Confirmed! "Pero... Kelan?"

"BUKAS."




[Chachi's POV]

"BUKAS." pagkasabe ko, maski si Taeh ay napaharap saakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay tsaka humarap sakanila at hinawakan ang kamay si Taeh para ipakita ang singsing namin. "Si Taeh ang bumili sa singsing nato. And gusto ko sana, kung maaari, isang civil wedding muna. Tayong naririto lang ang makakaalam na ikakasal na kami." sabe ko. Yes, pumayag ako sa gusto ni Taeh na makasal kami but ito ang gusto ko, to keep it as a secret.

"Why?" tanong ni Tita Emma. I just looked at her then smiled.

"Saamin nalang po ni Taeh yon. So, that's our decision. Thank you!" sabi ko tsaka niyakap si Taeh at halatang naiilang siya sa mga pinagsasabe ko.

Habang nag-uusap silang lahat sa loob, inaya ko muna si Taeh sa labas para makapag-usap kami ng kaming dalawa lang.

"So, still surprised?" tanong ko sakanya habang hawak parin siya sa kamay. Coz honestly, pati siya hindi alam ang pinagsasabe kong plano. Kaya alam kong gulat din siya gaya ng reaksyon nila.

"Anong sasabihin mo?" tanong niya saakin. Napahigpit naman ako ng hawak sa kamay niya. Inaya ko kase siyang lumabas dahil sabe ko, may sasabihin akong importante.

"....... Uuwi na ako sa condo." sabe ko at di ko alam bakit napayakap siya bigla saakin. Ang higpit ng hawak niya na parang ayaw niya na akong pakawalan sa braso niya.

"Hindi mo alam gaano ko hinintay ang araw na to. I want you back, Chi. I-I love you." sabi niya habang yakap ako. I'm sorry, Taeh. Sorry for leaving you. Hindi ko alam na ganoon mo pala ako hinintay na bumalik sayo. "Don't leave me....AGAIN."

"I won't do it again, Taeh." sabi ko at niyakap ko din siya. Mamayang gabi, uuwi ako sa bahay at magliligpit na ng gamit. Kailangan ko ng bumalik sakanya. Gusto ko na din naman siyang makasama kase eh. I cried and buried my face on his chest. I can hear his heartbeat. At kailangan ko na talaga bumawi sakanya sa ginawa kong pang-iiwan noon.

***

After ng Science subject namin, nakita ko si Taeh na naghihintay saakin sa labas. I smiled at him at syempre hinawakan niya ako.

"Are you okay?" tanong niya dahil nga may sugat parin ako. Remember what happened to me at the ball? Napansin ko si Taeh na ayaw na akong iwanan dahil sa pag-aalala.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Where stories live. Discover now