PLANETANG 7

3.3K 129 18
                                    

Dedicated to kay BTSTaeKook_MyungWoo. Kapatid na ang turing ko sakanya dito sa wattpad! Hahaha nakakamiss nga lang dahil pasukan na nila at hindi na kami nagkakausap... :( Mrs. Jeon, miss na kita huhuhu. Pero okay lang, pagbutihan mo pag-aaral mo ah! Hahaha XD And para naman sainyo reader(s), sana basahin niyo yung buong chapter medyo mahaba haba nga lang.

+++

CHACHI's POV

Maingay na tumunog ang alarm clock ko at nasilaw ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Umupo ako sa kama at pinatay ang alarm clock. Hay ano ba yan. Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maghilamos ng mukha, magtoothbrush at magshower muna.

After kong gawin yun, I was about to open the door when I realized what happened last night. Paano kung hindi pa pala siya nakakaalis? Kahit pangatlong araw palang ito na kasama ko siya sa iisang bahay, napansin kong mas maaga siyang umaalis saakin pagpasok sa school. Pero paano kung...hindi pa pala siya nakakaalis?

Bumuntong hininga ako at binuksan ang pinto. Sumilip muna ako sa bago lumabas talaga! Waaaah! Tahimik...mukhang pumasok na siya. Hayy! Buti naman. Mamatay ako sa kaba eh! Ang awkward kaya nuh!

"Buti naman umalis na siya. Di ko talaga alam anong mukhang maihaharap ko sakanya pagkatapos nang nangyare kagabi!" sabi ko. Hilain ko ba naman at biglang halikan?! Nakakahiya kaya yun! Ano kayang iniisip niya saken sa mga oras na yun?

Kukuha na sana ako ng kung ano sa ref para lutuin ko sa breakfast nang may nakita akong pagkain na sa mesa. Bacon, ham and hotdog? Fried rice? Si Taeh ang nagluto nito?! Weh?!!! Kukuha na sana ako nang makarinig ako nang pagbukas ng pinto mula sa...sa...sa isang kwarto???!!!!

Para naman akong nanigas nang marealize na... Nandito pa siyaaa?

"Gising ka na pala. Kumain ka na ng breakfast mo. Baka malate ka pa." sabi niya at paglingon ko, nakabihis na siya. So ngayon palang siya aalis? Malamang Chachi! Alangan namang multo yan di ba!

"Ikaw ang nagluto nito?" nasabi ko nalang. Di lang kase ako makapaniwala eh. Eh kase naman itlog lang ang kaya kong lutuin!

"Learn how to cook. Lalo na sa sitwasyon natin ngayon." then wooosh! Wala na siya! Lumabas na siya! Sitwasyon namin ngayon? Ang ibig ba niya sabihin eh...mag aral ako magluto kase...magiging mag asawa na kami? What the! Yun ba talaga? O baka praning lang naman ako! No! No! Hindi yun ang ibig niyang sabihin! O_O

Kumain na ako pero hindi talaga mawala wala sa isip ko yung....sitwasyon namin?! "Chachi! Stop being so OA!" sabi ko sa sarili ko at inubos nalang ang pagkain ko. Infairness ha, masarap! Super sarap! Hahahaha pwedeng house husband--ANONG SINABI KO?! Erase! Erase! Erase!

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na ito at inayos na ang bag ko. So ready to school! Pagkababa ko, oh well. My bike's here! ^_^

+++

Pagdating ko sa classroom, well hindi pa naman ako late. May 30 minutes pa naman ako. Uupo na sana ako nang may nagsnap sa harap ko. Sakit sa tenga ah.

"Ano ba Rai! Bakit mo ginawa yun?!" sabi ko at umupo na at inayos ang bag ko. Ano nangyayari saken? Parang may gusto akong kalimutan na hindi mawala wala sa isip ko! Yun nanaman bang sinabi ni Taeh? Oh c'mon!

"Eh kase hindi mo ako pinapansin! Anyare sayo? Pagpasok mo parang hinabol ka ng isang pamilya ng wrong turn cannibals!" sabi niya kaya nabatukan ko siya. Talakan ba naman ako?

"Wala. May iniisip lang ako." sabi ko at nanahimik nalang.

"♪For the first time in forever ♪" kanta niya kaya nabatukan nanaman! Anong meron dito at panay ang pang iinsulto saakin?!

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Where stories live. Discover now