PLANETANG 35

1.6K 78 36
                                    

3 days later...



"Alam ko! Hindi man lang yung ginawa kong effort yung napansin mo? Wow grabe! Yung pinag-uusapan dito yung ginawa ko hindi yung suot ko!" sigaw ko dahil nag-aaway nanaman kami ni Taeh. Eh paano ba naman ginawan ko lang siya ng cross stitch na may pangalan niya kaso hindi niya man lang pinansin. Anong pinansin niya? Yung suot ko! Sorry naman noh?

"Masyadong maikli yung suot mo at ayaw ko nun! Tsaka ano ba! NapakaOA mo naman! Pwede ba?" sigaw niya din sa kabilang linya at naiinis akong inirapan siya. Eh paano puro kami sigawan dito. Nandito ako ngayon mag-isa sa condo at kausap ko siya sa cellphone.

"Ano bang problema mo? Lagi kitang tatawagan pero parang wala kang gana kausap ako! Alam mo kung ayaw mokong kausapin, sabihin mo! Para hindi kita tinatawagan at naiistorbo!" sigaw ko sakanya at naiinis na binagsak yung baso na nasa harap ko. Narinig niya yung pagbasag at sinabihan akong qag magwala. Eh nakakainis eh?!

"Pwede ba wag ka ngang magwala! Tsaka pagod ako! Hindi mo ba maintindihan yun?!" sabi niya at naiinis pa yata siya saakin. Edi wag jusko!

"Kaya pagod ka rin na kausapin ako ganun? Fine! Sabihin mo kase!" sigaw ko sakanya at napangisi nalang ako. Hindi ko alam paano ako makakatulog sa inis ko ngayon sa lalaking to!

"Mas lalo mo lang pinapainit ang ulo ko! Pwede ba pag-usapan nalang natin pag-uwi ko?!" sabi niya at may narinig naman akong nagsalita sa kabilang linya. Sino yung kasama niya?! "Taeh, tama na yan." tss. Yung Eun-Jin nanaman na yon!?!!! Kelan ba titigil sa paglalandi yung babaeng yun?! Oras oras yata kasama niya yung asawa ko! Ano siya?! Linta?! Pvta!

"DIYAN! SIGE DIYAN KAYO MAGALING DIBA? MAGSAMA KAYO NG EUN-JIN NA YAN! TSAKA PAKISABI SAKANYA NA BAWAS BAWASAN YUNG PAGSAWSAW!!!" sigaw ko at binabaan ng tawag si Taeh sabay tapon sa cellphone ko. Wala akong pakialam kung masira man yan! Maganda yun! Para hindi niya na ako matawagan! Leche! Bat di nalang yung Eun-Jin na yun ang pakasalan niya?!

Yeah. 3 days ago ayos pa kami pero nitong mga nakaraang araw, bawat tawag ko sakanya at bawat tawag niya saakin ay palagi kaming nag-aaway o nagsisigawan. Tingin ko nga mauubos na yung gamit dito kakahagis ko sa inis kay Taeh. Kung hindi ko lang mahal ang buhay ko, matagal na akong nagpakamatay. Gabi gabi hindi ako makatulog dahil sa pag-aaway namin! Tapos lagi pa niyang kasama ang Eun-Jin na yon sa tuwing mag-uusap kami! Sinong hindi magagalit?! Tapos kapag tatawagan ko siya, sasabihin niya busy siya o masakit ang ulo niya?! Stressed o kaya pagod? Pero sa Eun-Jin na yun hinde?! Aba matinde!

Nakaupo lang ako sa sofa sabay sigaw sa sobrang inis ko at may nagbukas ng pinto kaya nahagis ko yung pillow na nasa tabi ko.

"OYY EASY KA LANG! KAKAPASOK KO LANG EH NAMBABATO KA NG UNAN DIYAN!" sabi ni Yoorai at binitawan sa kusina ang mga dala niyang groceries. Well, siya yung pinabili ko ng groceries dahil tinatamad ako at syempre, wala na akong gana mabuhay ngayon. Inirapan ko siya at tumapat siya saakin tsaka ininom yung ginawa niyang kape. Wow ako hindi ginawan? Pumunta ako sakusina tsaka gumawa ng sarili kong kape. "Nag-away nanaman ba kayo?"

"Hindi ba obvious?!!! Syempre! Kelan ba kami hindi nag-away?! Duh! Imposible yata yun ngayon lalo na may buntot siya na may pangalang EUN-JIN" diniinan ko yung pangalan ni Eun-Jin sa sobrang inis ko. Sa inis ko, tinapon ko sa floor yung coffee at gulat naman si Yoorai. Kakainis leche! "Wag ka magrereact! Ako maglilinis diyan." sabi ko sakanya at napakagat ng labi ko.

"So tutuloy ka pa sa New Zealand?" tanong ni Yoorai at humarap ako sakanya tsaka tinaasan ng kilay.

"Oo naman! Siguro dahil nagkakasabayan kami sa init ng ulo kaya ganito. Baka kapag.... Monthsary namin, masubukan naming maayos to. Wag lang papakita saakin yung malanding Eun-Jin na yun!" sabi ko at naiinis. Yung feeling na gusto kong sabunutan yung sarili ko pero hindi ko magawa? Para saan? Ewan ko diba nakakabaliw?!

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Where stories live. Discover now