PLANETANG 32

1.6K 75 14
                                    

"Chachi. Chachi." I heard someone's calling my name.... Gumalaw ako ng konti at pagmulat ko ng mata ko, to my surprise, I saw my husband waking me up. Tumingin ako sa paligid at ngayon ko lang namalayan nasaan ako. I'm on my husband's office....

"What am I doing here?" sabi ko at pagtayo ko, ang sakit ng ulo ko. Medyo blurred pa nga ang paningin.

"Nananaginip ka yata diyan babe. Nagsisign ako ng papers bigla bigla ka nalang nagsasalita diyan." what? Nananaginip? So yung pag-uwi ko mag isa at may nakita akong dugong dumadaloy sa legs ko, panaginip yon? Akala ko totoo! Seriously?

"Uhm.... G-Ganun ba." humawak ako sa noo ko at pumikit pikit dahil masakit talaga ang ulo ko at napapansin ko din napapasungit ang dating ko. "Anong oras na babe?" tanong ko kay Taeh na nag-aayos na sa mga gamit niya.

"Babe, it's already 9:30 in the evening. Siguro sa sobrang dami mong nakain sa restaurant kanina nakatulog ka. Don't worry pagtapos ko dito, uuwi na tayo." sabi lang niya habang mukhang nagpipirma pa yata ng ibang papeles sa table niya. Tumango nalang ako sakanya.

Yun pala ang nangyare? After namin sa restaurant, nakatulog ako. Wow. Akala ko talaga totoo yon. Jusmiyo papatayin ako ng panaginip na yon pagnagkataon. Hindi ko malaman kung horror o ano yung panaginip na yun. Ang creepy shet!

"Done. Tara na? Okay ka lang?" sabi ni Taeh at inakbayan ako. Loko to chachansing pa eh. Tiningnan ko lang siya nang masama at tumawa siya tsaka ako hinalikan sa pisngi. Hagis ko to sa Venus eh! Ayy hindi wag! Mainit pala dun. Masusunog yung beybe ko. Luh ang landeeee.

"Gusto ko na talaga umuwi." sabi ko sakanya kaya paglabas namin ng office niya, nasalubong pa namin si Dad kaya napaayos ako ng tayo kahit kung tutuusin, hinding hindi ko na kaya maglakad pa. "D-Dad."

"Mga anak, uuwi na kayo?" tanong nito at sasagot sana ako nang may hindi ako inaasahang darating. leche panira talaga to ng moment eh. Una, yung moment namin ni Taeh sa office niya. Pangalawa, itong moment namin ng Father In-Law ko! Jusmiyo teh!

"Sir--OH CHACHI AND TAEH! HAHAHAHAHA." halatang plastik ang tawa ng babaeng to. -_- hindi ko lang siya pinansin habang si Taeh ay ngumiti lang sakanya at binitawan pa ako para makipagkamay sakanya. Luh hindi ako nagseselos noh. Promise!

"Yeah. Pauwi na kami Dad. Pagod na kase si Chachi eh." sabi ni Taeh at hindi nalang ako kumibo. Okay mukha akong seryoso at snobber at masunget na ewan. I don't care! Hangga't nasa harap ko ang linta na to, hindi gaganda ang gabi ko.

"Uhm...ganun ba. Well, take care." sabi ni Dad kaya umalis na kami ni Taeh at sumakay sa elevator. Kinakausap niya ako pero wala akong gana magsalita. Later nalang sa condo ako sasagot sa mga tanong niya.

+++

"Gusto mo na ba talaga matulog?" tanong niya pagkabukas ng pinto ng condo at ako naman, binagsak ang katawan ko sa kama sa kwarto. Gaaaaahd ang pagod ko at hinang hina na ako. Ang sarap sa feeling ng humiga.

"Obviously, Yes." sabi ko lang at nagulat ako nang pumaibabaw siya saakin at ikulong ako sa mga braso niya. Gets? Kung hindi, bahala na kayo. Tamad ako mag explain pa. Basta yun ang posisyon namin. Alien na to!

"One round?"

"What the hell! Taeh ayoko nga! Umalis ka nga diyan!" sabi ko at kumawala sakanya tsaka siya pinalo sa dibdib. Sabihan ba naman ako ng ganun. Oo alam ko gwapo siya at hindi matitiis. And yummy with matching big--What the hell? Anong pinagsasabe ko? Too much details of my husband. Ako nalang makakaalam nun bleh!

"Jinojoke lang kita!" sabi niya. Bahala siya diyan. Tumalikod na ako ng higa sakanya at nagtalukbong ng kumot. "Hey may sasabihin ako."

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Where stories live. Discover now