Planeta Ni Kim Taehyung (edited ver.)

12.6K 402 72
                                    

"Hoy Taeh! Lumayu layo ka nga saakin." Isa talagang magandang halimbawa ang lalaking to ng panira ng araw. Kanina pa nakadikit saakin. Naglalakad kami sa school at parang ramdam na ramdam kong may buntot ako shet lang.

"Chachi, saan ka ba kase pupunta." tanong niya kaya nilingon ko at pinameywangan with matching taas ng kilay kahit oo medyo wala kong kilay. Ang sarap pektusan nito! Nakakapanggigil talaga e. Eh kung sabunutan ko kaya? "Aray! Aray! Aray!"

"Chachi, anong nangyayare dito?" tanong saakin ng kararating lang na si Baek. Umirap ako tsaka binitawan si Taeh. Bwiset na elyeng unggoy!

"Ayan! Yung kapatid mo! Buntot ng buntot saakin! Wala bang sariling mundo yan at kailangan niyang guluhin ang mundo ko ha, Baek?" naiinis kong sabi. okay sana kung ikaw nalang bubuntot sakin e dahil kaw naman mundo ko hihi

"Ang OA mo naman. Sinusundan kita kase may itatanong ako sayo eh ayaw mo naman akong pansinin. Kaya sinundan na kita. Tingin mo ba susundan kita sa wala lang? Kapal mo ah." sabi niya kaya lalo ko siyang sinabunutan. Sabihan ba naman akong makapal? Ha?! Chachi to oy, Chachi. Excuse bijj.

"Chachi, tama na." sabi ni Baek habang nilalayo ako sa kapatid niya. Kundi ko lang ako medyo nahihiya kay Baek winasak ko na yung mukha ng makapal niyang kapatid. Hehe oo crush ko siya wala namang pakialamanan diba. Ang gwapo ih.

"Hoy, Taehyung! Layuan mo ako ha. Isa pang sunod mawawalan ka ng itlog sige." sabi ko at aalis na sana nang...

"PAANO KITA LALAYUAN EH NAKATIRA LANG TAYO SA ISANG MALIIT NA BAHAY?!" sigaw niya dahil malayu layo na ako. At ngayon naman nagsitinginan ang mga estudyanteng dumadaan. Namilog ang mata ko at ako lang ba o nakakagigil talaga siya. Tumingin ako sa paligid at rinig na rinig ko na yung mga pagbubulungan ng mga chismosang froglet na nandirito ngayon at nakasaksi sa sinabi nino? Nino pa ba? Kim Taehyuuuuuuuuuuuuung!

"BUMALIK KA NA SA PLANETA MO TAEHYUNG, BWISET KAAAA!"

---

Waaaah kamusta ang prologue? Pangit ba? Comment naman. Para malaman ko anong opinions ninyo. Huhuhu. Hahaha nababaliw na ako. Well, sana magustuhan niyo, kayo ng bahala kung magvovote kayo o magcocomment. So bye guys! Kita kita tayo sa first chapter.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Where stories live. Discover now