PLANETANG 19

1.9K 83 2
                                    

[TAEH’S POV]

Hindi ko alam anong nginingiti-ngiti ko at kanina pa ako nakasmile. Simula nung lumabas ako sa bahay nina Chachi sobrang saya ko! Siguro dahil nalaman kong kapatid lang niya si Jimin at wala pa siyang ibang lalaking nagugustuhan maliban saakin! Hihihi ang bakla man pakinggan pero ang saya ko lang! Halos mapupunit na nga ang bibig ko kakangiti! Ang sarap sa feeling! Nakwento na din nina Chachi, Auntie Alice at Uncle Douglas ang tungkol kay Jimin. Kaya pala....

Napatingin naman ako sa pintong bumukas at nakita ko namang nakatayo doon si Baek. “Hey.” sabi niya at sinundan ko lang siya ng tingin nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Nakaupo kase ako sa headboard ng kama at nagbabasa ng libro. Nagbabasa? Eh wala nga akong maintindihan dahil ang nangyari parin kanina ang nasa isip ko.

“What do you need?” tanong ko kay Baek. Umupo siya sa kama ko kaya napaayos ako ng posisyon. Nilagay ko naman ang libro ko sa may side table dahil ang lalim ng tingin saakin ng kuya ko.

“Buti naman sinunod mo ako.” I know what he’s talking about. About that drug thingy? Yeah I stopped it... Matagal na. Simula nung namalayan ko ang unti-unting pagbabago saakin. I even hurt Chachi... Tumango lang ako tsaka tumingin sa ibang direksyon. “Dahil kung tinuloy mo yon, remember what I told you? Akong makakalaban mo.”

“Wala sa plano ng buhay ko ang maging drug addict. It’s just an accident. I understand you. You’re doing this because you’re older than me. Kailangan mo akong protektahan. So I followed you. That’s it?” sabi ko at pinipilit parin na wag siyang tingnan. He talk and I listen. It’s just that. It is how our conversation flows.

“Good. That’s it, Taeh. That’s it...” sabi niya. Tumayo siya then tapped my shoulder. Tiningnan ko lang siya... “But there’s one more thing you need to do.” nagtaka naman ako sa sinabi niya.

“Ano yon?”

“Kailangan mong pakasalan si Chachi. Do everything you can. Napapayag mo na siya noon. At ngayon, kailangan mo siyang bawiin ulit. You did a wrong move. Make it right.” sabi niya at iniwan na ako. That’s exactly what I’m doing. Binabawi ko ulit si Chachi and to think na wala pang nagmamay-ari ngayon ng puso niya, magiging madali nalang yon.

I need to make her fall in love again... Again nga ba? Nawala ba talaga, Chachi? Or is it still there? Let me know.

Bumaba na ako para kumain ng dinner with my family. Hinalikan ko sa pisngi sina Mama and Daddy tsaka umupo na sa tabi ni Baek. May napansin ako...

“Where’s Yeonie?” tanong ko dahil wala yata ngayon si Yeonie. Dito na kase nakatira si Yeonie sa bahay. Live-in partners ba ang tawag sakanila ni Baek? Hindi siguro. Kase kasama naman nila kami sa bahay. Whatever. Nevermind.

“Pinauwi ko muna kina Tita. May sakit eh. At hindi siya maaalagaan dito dahil busy tayo.” sagot ni Baek kaya napatango na ako. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain nang mapansin kong nakatingin si Mama saakin. I asked her why.

Sinabihan kitang bantayan si Chachi. How’s she?” tanong niya.

“She’s fine. Kinukumbinsi ko pa siyang magresign sa trabaho niya. And her friend Yoorai, she’s helping me to convince her.” sabi ko lang. I really don’t know what is Chachi’s plan.

***

[CHACHI’S POV]

Nakahiga lang ako ngayon sa kama at hinihimas himas si Scrappy. Wala kase akong magawa eh. Di ko alam anong mapaglilibangan ko. Nagsasawa na din ako sa gadgets. Books? Nabasa ko na lahat ng books dito. Watching TV? Di ko naman hilig yon.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Where stories live. Discover now