PLANETANG 25

1.8K 91 2
                                    

[Chachi's POV]

"Yes, sir. Hindi po muna siguro ako aattend ngayon...... Opo....... Sige po, thank you."

Paggising ko, medyo blurred pa ang paningin ko at nakita ko si Taeh na may kausap sa cellphone? Sino daw? Nang gumalaw ako, nakaramdam ako nang fever pack sa noo ko at thermometer sa kili-kili ko. Huh? "T-Taeh?" paos pa yata ako.

Humarap siya saakin at nilapitan ako.

"Gising ka na pala eh. Kamusta yung pakiramdam mo?" tanong niya at hinawakan ako. Ano ba tong nararamdaman ko? Hirap ako kumilos. Ang init ko... "Buti nalang katabi kitang natulog kaya naramdaman ko agad na may lagnat ka." sabi niya at hinawak-hawakan ang buhok ko.

"Uhm... Anong oras na? Bakit nandito ka pa." medyo hirap kong tanong dahil sa paos ako at hindi rin ako makapagsalita ng maayos. Anong oras na dapat nasa school siya ngayon.

"Nakapag-paalam na ako kay Sir. Hindi ako papasok." sabi niya at hindi parin tinatanggal ang tingin saakin. Pinupunasan niya ako sa braso ng basang bimpo... Ang sakit ng pakiramdam ko.

"Hala. Pumasok ka na. Kaya ko naman..." napapaos ko pang sabe. Hindi niya naman pinansin yung sinabi ko at nagsalita pa siya habang hinihilamusan ako.

"Nilagnat ka dahil siguro sa monthly period mo..." hala oo nga pala. May period ako ngayon. Ano ba yan! Bakit hindi ko agad nararamdaman? Ang saket sa pakiramdam. Sobrang init ko. "Tsaka kung hindi ako papasok, sinong mag aalaga sayo? Hindi ko naman pwedeng papuntahin sina Tita Alice." sabi pa niya at inayos ang unan ko. Sabagay...

Tumango nalang ako tsaka naman siya napatigil sa ginagawa niya. "Oh bakit?" tanong ko.

"Ang bait mo pala kapag may saket noh hahahaha." sabi pa niya sabay tawa kaya naiinis kong binawi ang kamay ko sakanya. "Uy joke lang." sabi pa niya pero tumalikod ako at hindi ko siya pinansin.

"Chachi..." tawag pa niya pero kunwari wala akong narinig at pumikit para kunwaring natulog ulet. Tss. "Uy.." ano ba kase?!

"Ano ba?" ang sigaw, nauwi sa walang boses. Ihhh dahil paos ako hindi tuloy ako makasigaw sakanya ngayon. Lalo na nag iinit ang ulo ko.

"Yung likod mo..." sabi niya at matawa-tawa pa. Anong meron?

"Oh napano?" tinaasan ko lang siya ng kilay. Pero natatawa lang siya. Hala ayoko siyang tingnan! Ang cute niya! Shemay! Lalo akong magkakasakit nito eh! "Uy anong nangyayari sayo?"

"Ikaw kase... Yung likod mo..." unti unti niya pang sabe. Shemay kaaaaaa! Nacucurious tuloy ako. Kinuha ko yung isang unan sa gilid ko at binato sakanya. -_-

"Ano nga?!"

"Kase may tagos ka." O_O di ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat ba akong mahiya? Hindi naman. Asawa ko naman siya eh kaya okay lang! -_- walang reaksyon ko lang siyang tiningnan at tumigil naman siya sa kakatawa.

"Oh tapos?" sabi ko lang at inirapan siya. Tss.

"Sabi ko nga." sabi pa niya at hindi na ako nagulat nang kunin niya ang braso ko para punasan ulit at hilamusan ako. Kahit papaano naman, gumagaan ang pakiramdam ko at feeling ko nga, nababawasan ang lagnat ko.

Tiningnan ko siya or should isay, tinitigan ko siya. Ang gwapo niya kase. Siguro nga nung una, para saakin mas gwapo si Baek. Pero bakit ngayon, bumaliktad ang mundo at parang si Taeh lang yata ang gwapo sa paningin ko. Kahit anong gawin niya, isuot niya, he's still hot and handsome as hell!

That lips... Ilang beses ko na din namang natikman pero kapag tinitingnan ko, arghhhh! Still craving! Ewan ko bakit lumalabas sa isip ko ang mga ganitong bagay. Tinry kong ibigay ang atensyon ko sa ibang bagay pero hindi ko talaga maiwasang titigan siya. Mukha talaga siyang asawa na nag-aalaga sa mahal niyang may sakit. He's just doing his duties by the way.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Where stories live. Discover now