PLANETANG 37

1.7K 83 25
                                    

//// CHACHI'S POV


Binisita ko sina Mama sa apartment dahil ngayon sila babalik sa dati naming bahay. Tinulungan ko nalang siyang magbuhat ng mga gamit at sinakay sa truck na nirent nila. Sumakay na ako sa kotse kasama sina Mama, Papa at Jimin para pumunta sa bahay. 


Pagkarating naman namin, di ko naiwasang mapatingin sa dati naming bahay. Namiss ko to infairness. Bumaba na kami at sinundan ko lang si Jimin na umakyat kaya napatingin saakin.


"Anong trip mo bat nakasunod ka?" sabi niya at humiga sa kama niya. Tss. Makapagsungit naman ang pandak na to. Kala mo ang gwapo eh. Ay sabagay, maganda ako at dahil kambal ko siya, sige gwapo na din. Pero di kami magkamukha, malapit lang. Swerte niya naman. 


"Himala hindi ka yata umalis? Dati natutulog ka kina Jungkook o kaya kina Hoseok na parang wala ka ng balak umuwi dito. Tapos ngayon nandito ka? Ang creepy ah." sabi ko sakanya at ngumisi sabay naman niyang sinuot yung headphones niya. "Wag kang bastos. Kinakausap kita uy."


"Ayoko muna makisama sakanila okay? Wag kang matanong." sabi niya at inirapan ako. Di lang ako sanay na seryoso siyang masungit. Masiyahin kase tong kakambal ko at laging nagsasaya na akala mo hindi nauubusan ng energy sa katawan. Anyare?


"Luh anong ginawa ko sayo?" sabi ko at binato siya ng unan pero binalik niya saakin at dahil lalaki siya, mas malakas. Baliw siya shocks. Napatigil ako nang marealize ko yung posibleng dahilan bakit ayaw niya makisama kina Jungkook ngayon. Haist. "Dahil ba sa nangyari saaming dalawa ni Taeh? Jimin, kami lang ang may gulo dito. Wag mo hayaang pati ang relasyon mo sakanila ay masira nang dahil saakin. " sabi ko at ginulo ang buhok niya. Tumayo na ako at lalabas na sana nang kwarto niya nang magsalita siya.


"Tss. Ayoko parin." sabi niya kaya hinayaan ko nalang siya.


Bumaba na ako at naabutan ko naman sina Mama at Papa na nag-aayos sa kusina. Hinalikan ko lang sila sa pisngi at inakbayan naman nila ako kaya nginitian ko sila. 


"Ready for tomorrow?" tanong ni Dad saakin at natawa naman ako. 


"Nako Dad!!! Hindi mo pa ako nasabihan nakaready na ako noh!" sabi ko dahil kapag pumasok ka sa condo, jusko maleta ko ang aabutan mo hahahaha. Tinawanan lang nila ako kaya tinulungan ko na din si Mama sa pagluluto ng dinner. "Mama, sino nga po palang pupunta ngayon?" tanong ko dahil narinig kong may bisita daw na kakain ngayon dito. 


"Yung parents ni Taeh..." sabi lang ni Mama at tiningnan ako. Ngumiti lang ako dahil di naman ako ganun kaaffected kapag naririnig yung leche niyang pangalan. Habang naghihiwa, aksidente kong nasugat yung kamay ko kaya napa-aray ako. Alangang magYehey ako? "Okay ka lang diyan? Wag ka mag-alala di kasama si Taeh."


"Ano naman kung kasama yung gagung yon?" tanong ko kay Mama at nagpaalam muna na pupunta sa kwarto ko para magband-aid. Ginamot ko na yung sugat ko tsaka bumaba ulit para magpatuloy sa pagluluto. "Mama, magiging business partners nanaman ba sina Daddy at..." di ko alam kung anong itatawag sa ama ni Taeh. Kung Tito ba o Dad?


"Oo. Kaya sila pupunta dito at syempre bukas para pag-usapan yung collaboration with MBC." hindi ako mahilig sa business pero nung narinig ko yung MBC, si Mark agad ang narinig ko. Nagliwanag tuloy ang diwa ko. At least pala kahit papaano magkakaroon kami ng connections.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum