PLANETANG 2

5.4K 201 53
                                    

C h a c h i

"Taeh, may relasyon na ba kayo ni Chachi?" nakangiting sabi ni Tita Emma. What??? Relasyon? Alam ba nila ang sinasabihan nilang may relasyon? Ako at si Taeh?! No way!!! Nandito kami ngayon sa living room at kaharap ang parents ni Taeh. Dahil lang nakita nila siya sa kwarto ko kagabi akala na nila may gusto ako sakanya! Nevah! Ang babaw talaga nila. -_-

"What? Tita, wala po promise. Taeh and I were just friends. Oh hindi ko nga po friend yan eh. Enemy!!! As in kaaway slash kinaiinisan." sabi ko at nandidiring tiningnan si Taeh. Ewan ko ba diyan ano ang naisip at hindi gumagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal.

"Chachi, stop it. Mahiya ka naman sa Tita Emma mo." sabi ni Mama. Ang pinakaperfect na mama sa buong mundo. Yeah! She wants everything to be perfect! Wala kang gagawing mali! That's my mom.

"Hindi okay lang. Hindi ba nga may kasabihang 'THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE?" wtf? Di ako makapaniwalang sa age nilang yan eh naniniwala pa sila sa mga ganun. Talaga? The more u hate the more u love? Eh hate mo nga di ba??? Tss.

"Ma, papasok na po kami ni Chachi." sabi ni Taeh. Tss. Papasok na kami ni Chachi your face! Hindi ako sasabay sakanya noh.

"Stop calling my mother 'MAMA' , 'MOMMY' or whatever. She's not your mother, arasso?" sabi ko at tumawa naman sila maliban saamin ni Taeh. Ewan ko ba. Our parents were acting like crazy kids talaga. Tingin ko nga mas matured pa ako kay mama.

Tumayo ako at sumunod naman na tumayo si Taeh. Sabi ng wag sasabay eh! Hinalikan niya sa pisngi ang mom ko at ang mommy niya. Feel na feel niya ang pagiging son in law sa mama ko huh. Hmp!

Lumabas na ako at sumakay sa bicycle ko. Waaah my precious!!! Nakangiti akong sumakay at nagbike na. Lalalalala~ teka. Bakit ako sinusundan nito? Nakabicycle din siya at sinabayan ako.

"Lumayo ka saakin ng konti. Ayokong makasabay ka." sabi ko at binilisan ang pagpedal para mauna sakanya. "May kasalanan ka saken kaya kahit lumayo ka nalang ng konti yun yung kapalit." sabi ko at binilisan pero sinasabayan niya talaga ako.

"Ano namang kasalanan, Chachi?" sabi niya at tumingin saakin. Psh! Mabangga ka sana.

"Kung hindi ka pumunta sa kwarto ko kagabi hindi nila aakalaing may gusto ako sayo. Gets? Alam mo naman ang parents naten. Masyadong alam mo na." sabi ko. Nakakainis lang. -_-

"Hahahaha." tumawa siya at inunahan ako. Aish! Pesteng elyen! Nang aasar talaga eh!!! Sana lang talagang hindi na siya bumalik galing Japan!!!

Nakarating na ako sa school at pinark ang bicycle ko. Woooh! Fresh air mula sa napakagarang eskwelahan! At tingnan mo nga naman oh! Gwapong pagmumukha mula sa gwapong si Baek!

"Hi Baek!" sinabayan ko siya sa paglalakad at nilingon niya naman ako. Hehe ^_^ poreber gwapo talaga!

"Hi, Chi! Kamusta?" waah! Narinig niyo yun? Kinukumusta ako ng gwapong ultimate crush kong si Baek! Ahihihi

"I'm good. Hehe. How about you?" nakangiti kong tanong at parang may hinahanap siya sa paligid ko. Baaaeek!~ I'm here! Saan ka nakatingin??? "Bakit?" tanong ko.

"Nabalitaan ko kase umuwi daw si Taeh kagabi? Nasaan siya? Bakit hindi mo kasama?" kasama? Haler! Bakit ko isasama yun??? -_- isama siya pabalik sa planeta niya baka pwede pa.

"Huh? Bakit ko naman isasa-" O_O

"Duuuude~ wazzup!" bigla ko nalang nakitang inakbayan ni Taeh si Baek. Aish! Kahit kailan talaga! PANIRA KA NG MOMENT!!! "Speaking of the devil.." bulong ko sa sarili ko. Eh kase naman! Yun na eh! Moment na namin oh! BaekChi na eh! Nagka BaekTaeh pa! Kaya ito si Chachi, naiirita naaa! At may lumalabas na usok sa ilong ko. Syempre joke lang yun.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin