Chapter 82: Enough

127 3 0
                                    

•Amber's POV•

Hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod—you know like what Cheon Seungyi does all the time—nang makalabas ako ng sasakyan. My hair was blocking my eyes.

I smirked after noticing the stares and gawks I was getting. I'm starting to love the attention.

Pano ba naman kasi, maganda na nga ako, mas lalo pang gumanda dahil sa make-up. Lalo na ngayon na fierce make up ang nilagay ko. It's necessary for our Blackpink performance.

Ehe. Nagiging Audrey na ako sa laki ng ulo ko. Flattered ako eh. Hihi.

Nang makaapak ako sa loob ng building, nagtaka ako sa mga bulungan nila. Pero dahil nga wala akong pake at naka-earphones ako, hindi ko sila pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa classroom.

Kailangan pa kasing mag-attendance dun kahit na wala namang silbi 'yun. Tss. Para namang may perfect attendance award. =_= Tch.

Napa-twitch ang mata ko nang makita ang paggalaw ng mga labi ng nadadaanan ko kasabay ng mga irit at talon talon.

Psh. Wala akong pake sa kaputahang mga sinasabi nila kaya nag-focus ako sa kanta na pinapakinggan ko.

"OHMYGEE!" Pucha. Mahina lang ang nasagap ng tenga ko sa tili niya dahil sa lakas ng tunog ng music sa earphones ko pero leche!

Akalain niyong madadaig ng isang 'to ang volume ng earphones ko?! Aish!

Inismiran ko 'yung babae at agad naman siyang napatigil.

Panira siya sa magandang kanta ng Twice na Signal eh! Psh. Kala niya ata kagandahan 'yung boses niya kaya siya nagtititili. Tch. As if. =_=

Para kaya siyang kinakatay! Tss.

Inirapan ko sila ng mga kaibigan niyang nagsisiksikan sa sulok sa sobrang takot sakin at naglakad na palayo.

Bwiset. Gusto ko silang sampalin isa-isa dahil inis na inis ako sa hindi malamang dahilan pero parang ang unfair naman nun sakanila dahil ang babaw ng rason ko para sampalin sila.

Sumipol-sipol ako habang naglalakad papuntang room at pinaglalaruan 'yung car keys ko.

Bakit  parang may masama akong kutob? Ano ba talagang meron?

Tatanggalin ko na sana 'yung earphones ko para malaman na kung ano bang issue pero nakarating na ako sa tapat ng room kaya di ko na tinuloy.

Umarko ang kilay ko sa nakita kong itsura ni Hazel at Chantelle na parehong nauna samin ni Audrey—yun nga lang si Audrey pumunta pa sa may locker niya.

"Problema niyo?" Tanong ko kahit na alam kong hindi ko sila maririnig dahil nakasalampak pa rin sa tenga ko 'yung earphones ko. Hindi naman sila umimik at nakatanga pa rin sa board kaya umiling ako sabay irap.

Ano kayang meron? Kanina pa ako naku-curious ah. What the hell is happening in this school? Tsk.

Nag-log in ako dun sa computer at hindi na binasa pa 'yung mga pangalan na nadun. Tss. Pake ko sa kanila? Tch.

Conflict and LoveWhere stories live. Discover now