Chapter 17: Pride over love

2K 99 0
                                    

Kevin's POV•
Afternoon in the boys'
house...

"Sinabi niya yun?" Shocked na tanong ni Zach nang nakanganga nang onti.

"Oo." Nathan confirmed albeit I was the one who was supposed to answer.

"Wag mong susundin bro." Seryosong sabi ni Luke sakin. Nakakakaba naman yang mga titig nila.

"Bakit?"

"Kasi nga diba, sabi niya na may chance na magkagusto ulit siya dun sa ugok na yun?" Tanong sakin pabalik ni Luke.

"Oh tapos?" Hindi ko pa rin kasi ma-gets. Anong connection nun? Ano ngayon kung may chance na mahulog si Chantelle ulit kay Liam? MAY CHANCE lang naman, hindi niya pa naman kasi sinabing, nahulog na nga siya.

Hindi naman ako pwedeng mag-assume dahil ang love, hindi parang experiment na laging may, "I therefore conclude."

"Baka nahulog na siya dun.  Mapapahiya ka lang pag umamin ka. Ipagpatuloy mo lang yung plano." Sagot niya. Kasasabi ko palang diba, na bawal mag-assume kaagad?

"Oo nga. Hintayin mo lang na siya na mismo ang umamin." Suggest ni Nathan.

Teka.....oo nga noh. Tama sila. Mapapahiya lang ako. Leche eh ang ayoko pa naman sa lahat yung napapahiya ako.

Natahimik muna ako at nag-isip. Pero diba nakakahiya kung yung babae yung unang umamin?

Diba dapat lalaki? Because a real man is brave enough to express his feelings.

Tae san ko ba lahat nakukuha yang mga words of wisdom ko? Haist ang talino ko talaga.

"Hay nako. Tara na nga. May laro pa tayo." Pag-iiba ni Luke ng usapan.

Oo nga pala. Malapit na yung Battle of the schools. Kaya kailangan na naming mag-practice. Ang dami naming gagawin! Double time sa lahat ng training leche.

"Ne. Oh tama na drama. Laro tayo ng basketball sa court." Tumango kami at nagbihis na.

And then, ayun pumunta na kami sa court ng subdivision namin. Well hindi namin, ang may-ari naman talaga ng subdivision na 'to eh sina Luke eh.  Andito din yung bahay nung girls kaso nga lang, malayo sila samin. Nasa Phase 6 kami sila nasa Phase 1. Malapit sila sa main gate, kami naman malapit sa 3rd gate kaya dun na kami dumadaan.

Sa'min malapit yung court, sa kanila naman yung park. Kaya kailangan pa namin tumakbo ng 4 kilometers makapag-jogging lang sa umaga.

Ang layo noh? Well, mga mansion kasi bahay dito kaya malalaki yung space.

"Oi pare, ok ka lang ba?" Tanong ni Nathan sakin. Ang weird naman ng tanong niya.

"Oo naman. Bakit? Ano meron?" Tanong ko pabalik mang hindi siya tinitignan.

"Papunta ka kina Chantelle eh." Mas lalong kumunot yung noo ko dun.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Lumagpas ka eh. Sinundan lang kita para matauhan kang gago ka."

Conflict and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon