Chapter 14: Spill

2.1K 114 2
                                    

Chantelle's POV•

"Tumigil ka nga. Di maganda yang joke mo." Pero syempre joke lang. Flattered kaya ako.

Ang tagal ko nang hinintay na ako naman yung habulin niya eh. Buti naman at dumating na yung panahong yun sa wakas.

"I'm serious here." He stared at me with his serious face. In fairness, kapani-paniwala yung mukha niya.

"Sorry but we're getting married and I don't think anyone is gonna change our minds." I smiled sweetly at him. Tumingin ako kay Kevin at pinandilatan siya. Mukhang hindi niya na-gets kaya inapakan ko yung paa niya. Ang slow eh.

Kumunot naman yung noo niya. Hay nako naman talaga. I gave him 'the stare'.

Takte Kevin makisama ka! Wag mong sabihin na arrange marriage utang na loob! Hinding hindi ako lulubayan ng gwapong alien na impakto na 'to.

"Yeah dude. Back off, she's mine." He said as he tightened his arm around my shoulder.

Whoop! Thank you! Buti nadala sa tingin. I gave him the go-with-the-flow-or-I'll-kill-you look kanina eh. Muahaha! Ang slow niya kasi eh. Kailangan lang pala tignan nang ganun para lang makuha niya yung message ko. Tsk.

"She's not a property and you two aren't married yet." Liam retorted and smirked.

Damn. May point siya. Aisht. Ang talino niya talaga kahit kailan. At ang bilis niya pa makasagot ah. Wow. Ngayon naalala ko na kung bakit ko siya minahal.

"Well don't worry, after we graduate high school, we're getting married right away." Smug na sagot ni Kevin sakanya pero hindi pa rin siya natitinag.

Leche 'tong marriage blah blah blah na 'to! Sa totoo lang naiilang akong pag-usapan 'to.

"I don't think you'll be able to handle the obstacles that are coming your way." He sounds so sure about that. May plano ba siyang masama?

"HOY! TARANTADONG IMPAKTO! ANONG GINAGAWA MO DITO?!BAWAL ANG MANLOLOKO DITO!!!" Rinig namin na sigaw ni Hazel. Oh shit. Oh no. Lagot! Narinig niya yung mga pinagsasabi ni Liam! Takbo na baka mapatay ka pa ni Ms. Man-Hater!

Nako, kung alam niyo lang, nanggigigil siya nung kinwento ko sa kanila yung pag-uusap namin.

Naintindihan naman nila Audrey at Amber kasi inexplain na sakanila nina Zach at Nathan pero si Hazel, tss...hindi yan nakikinig kahit kanino maliban sa parents niya. Kahit nga samin ayaw niyang makinig eh.

Mature yan mag-isip pero kung galit, her judgement is clouded.

"Andito lang ako para—"

*slap!* Oooooh...grabe nag-echo yung tunog sa buong cafeteria. Buti nalang wala nang tao dito kasi umalis na sila. Nagsitakbuhan silang lahat nung sumigaw si Hazel.

"HOY" pa nga lang yung nasisigaw ni Hazel kumaripas na agad sila ng takbo eh.

Kung takot na sila kay Hazel, mas lalo kayong matakot pag si Audrey na ang mag-beast mode kasi hindi lang siya mukhang dragon, mukha siyang demonyo na walang sinasanto, kahit kami.

Pero at least yun nadadala sa explanation, eh si Hazel..... mukha siyang papatay ng tao ngayon. Sheeeet. Pipigilan ko ba? Masyado akong na-e-entertain eh.

"Hazel—"

*slap!* Nag-echo na naman. Nilapitan ko si Liam at chineck kung okay lang yung mukha niya. Shit. Namumula na talaga yung mukha niya. Naawa na tuloy ako sakanya.

Conflict and LoveWhere stories live. Discover now