Chapter 85: Damn lips

233 7 0
                                    

•Hazel's POV•

"Aray!" Peste naman ba't may mga nakaharang basura sa daanan ko?! Tsk! Ang ganda ganda na ng pagsipol ko eh!

I followed the trail of trashes and I must say, I'm not even surprised to see the most indolent person I know.

"Audrey, what the hell?!" Inis na sigaw ko. "Get off your ass!" Bored niya akong tinignan na para bang walang ka-kwenta kwentang bagay ang tinitignan niya.

'Tong babaeng 'to! Grabe ah!

"Bakit ba?!" Iritable niyang tanong sabay tanggal ng earphones niya na nakasalampak sa magkabilang tenga niya saka sinamaan ako ng tingin.

"Linisin mo 'tong kalat mo! Jusko!" Napahawak ako sa noo ko. Pero imbis na kumilos, tinaasan niya lang ng kilay ang mga wrapper ng chichirya sa carpet.

AISH!

"Hindi 'yan maglalakad kung tataasan mo lang ng kilay. Wala silang mga paa." Sabi ko sabay irap.

Tumunghay siya para tignan ako. "Masama bang subukan?" Nag-tsk ako sabay irap. Alien talaga. Weirdo mag-isip. "Bakit ba ang sungit mo? PMS?" Tanong niya habang pinupulot 'yung mga kalat niya.

"Sira! Ang kalat mo kasi!" I defended. "It's an eyesore you know!"

Umirap siya at nag-tch. "Whatever you say."

Umiling nalang ako at nilagpasan siya. Napababa lang naman ako dahil nagugutom ako eh.

Hay, bukas. Regular classes na. Magtatabi na naman kami. Tsk! Bwiset na seating arrangement. =_= Sana mabago! Napaka-awkward na nga kung nagkakasalubong kami sa hallway, pano pa kaya kapag magtabi na kami?

And to think that our distance from each other is only a few centimeters.

Hay buhay. Nakakainis.

"Ano kayang magandang kainin?" Bulong ko sa sarili ko.

"Kahapon ko pa 'yan tinatanong."

"Ay butiki!" Napaurong ako nang may biglang magsalita. Kamusta naman ang ulo ko? Ayun. Naumpog sa ref. =_=

"Pffft—HAHAHA!"

"Anong nakakatawa?!" Napahawak ako sa ulo ko. Kainis! Ang sakit nun ah! Bakit kasi ang tangkad ko?! Hmph.

"Aw, the tiger has a booboo." She coed mockingly. "Wawa man. Hahaha—ya!"

Ayun, binatukan ko kasi. =_= Kitang nasaktan na nga ako, pinagtawanan pa! Sira—teka, bakit parang may double meaning 'yun? =_=

Tch. Kainis.

"Aish." Usal niya habang minamasahe ang likod ng ulo niya at nakatingin sakin nang masama.

"That's what you get for laughing at me~ woaaaah~" I sang nginitian ko siya pero agad ding nawala 'yun nung mas nanindak ang tingin niya sakin.

Conflict and LoveWhere stories live. Discover now