Chapter 55: Pretend

1.8K 71 1
                                    

•Gavin's POV•

"Tiffanyyy!!!" Sigaw netong katabi ko kaya nagising ako sa katotohanan. Aish. Nakalunok ba ng megaphone 'to?! Mabubuking agad ako nito eh!

"Tsk, Audrey wag kang maingay! Pag ako talaga mabuking, nako nako nako." Saway ko sakanya.

Di naman natakot yung alien na nakalunok ng megaphone at tinawanan lang ako. =____= tss.

"Pffft wahahaha! Wala naman yung iba dito eh. Tayong dalawa lang naman ah hahahaha!" Psh. Baliw talaga 'to.

Kaya pala na-in love agad sakanya si Zach. Oo alam kong in love si Zach kay Audrey eh. Di lang nila alam. Mga manhid talaga.

Sa titig palang ni Zach kay Audrey at pag tingin niya sakin ng masama 😏 hahaha!

First day palang, alam ko na. Kaya nga biniro ko sila na aalagaan ko si Audrey nung tinanong nila kung manliligaw ako eh hahahaha! That was so hilarious.

Player na ako kung player eh sa gusto kong asarin yung lalaking yun eh.

At kung iniisip niyo na ginagamit ko lang si Audrey, mali kayo. I really treasure her. Nung napansin kong may interest si Zach sakanya, wala pa rin akong pake nun. Like, sino ba siya?

But then nung pinahiya niya si Tiffany, I was intrigued. Kasi pano niya natalo si Tiffany? Yun pa eh ang b*tch nun.

Nakahanap na si Tiffany na mas lamang pa sakanya and I wanted to help her. Pero nung nakasama ko si Audrey lagi....

Ewan ko pero parang nagbago yung reason ko na kaibiganin ko siya. Parang lang, wag kayong umasa. Ang awkward kaya ng paglapit ko sakanya. I'm the type of guy na nahihiya sa mga babae. Isa pa, tinarayan niya 'ko nun.

=_____= kung alam niyo lang, natakot ako sakanya pero dahil desidido ako na tigilan niya si Tiff, ayun, napaka-usapan ko naman siya.

Kaya binawasan niya na yung pakikipag-away kay Tiffany.

Medyo awkward din kami ni Zach nung nag-apir kami that time. Or baka ako lang yun.

"Audrey?" Tawag ko sakanya pero di ko pa rin inaalis yung tingin ko sa puno. Wala eh, andun siya eh....

Nakikipag-halikan sa iba.💔

Bakit kaya hindi niya 'ko mapansin? Dahil ba sa nerd ako? Haaayts. Ibabaling ko na nga lang yung attention ko kay Audrey....

Buti nalang andiyan siya para sakin....kasi pag mag-isa lang ako, baka nag-suicide na ako.

"Hmm?" She asked back. I glanced at her. Pansin ko lang ah, bakit ba lagi niyang tinitigan yang paa niya?

"May.....may nagugustuhan ka na ba?" I asked unsurely. Di ko alam kung pwede ko bang i-open yung topic na 'to.

"Na pagkain?"

Puro pagkain nasa isip neto eh.=____= yung totoo? Wala na bang ibang inisip 'to kundi pagkain, pagkain, pagkain?

"Na lalaki. Tsk, puro ka pagkain eh."

"Eh sorry na.....pero hmm.... Wala pa naman." Sagot niya na parang bata habang nakangiti.

"Ang manhid mo din. Bagay talaga kayo ni Zach." Sabay irap ko.

"Di kami bagay, alien kami. Tsaka anong manhid? Alam ko namang maraming may gusto sakin noh! Sa ganda kong 'to?" Mayabang niyang sabi.

Conflict and LoveWhere stories live. Discover now