Chapter 87: Come with me

175 4 0
                                    

•Hazel's POV•


"Anong tinitignan mo diyan?" My eyes traveled to Chantelle with my chin still on my propped up hand.

Alam ko namang naghahanap lang 'to ng makaka-usap dahil napaka-awkward ng atmosphere. Kahit hindi niya ipahalata, nase-sense ko pa rin. Tch.

"Yung langit." I answered in a duh tone. Binalik ko ang tingin ko sa labas. Trip kong lumutang ngayon, as in lantang gulay talaga ako.

Leche, ang daming PTs na sabay-sabay. Okay lang naman sakin lahat ng reportings at projects pero 'yung video projects, hayop. Buti sana kung 'yung iba nagko-cooperate eh kaso hindi eh.

Lahat kasi sila magagaling at laging pinu-push ang ideas na tama sila. Mga bwiset, parang hindi ako 'yung group leader. Tch.

"Bakit? Ano bang meron dun?" She asked once more.

"Wala. Na-appreciate ko lang." Narinig ko siyang nag-tss at bumalik sa pagkaka-upo nang maayos.

Ang bagal talaga ng Amber na 'yun. Pwede bang bilisan niya na kasi nakakasakal talaga 'yung paligid! Tahimik kaming lahat eh! Buti nga nakakaya pa ni Chantelle magsalita. Weird. Tsaka, parang may iba sakanya. As in. Hmmm...

"Ikaw, anong tinitignan mo?" Rinig kong tanong ni Chantelle kay Audrey.

"Yung venetian blinds." Walang buhay niyang sagot. Mahahalata naman na lahat kami stressed na stressed na. Sino bang hindi? Kung ano ano na ngang extra curricular activities ang mga sinasalihan namin dahil papalapit na ang graduation eh.

Tangina, whose idea was it to balance the percentage of Extra co. and Acads?!

"Oh anong meron dun?"

"Parang gusto akong ligawan." Agad kong tinapunan ng wtf look si Audrey. Pero siya, naka-innocent face lang. Meaning, seryoso talaga siya sa sinasabi niya. Gaga talaga. Napaka-ewan talaga ng babaeng 'to. Galing siyang Neptune o Mars, better yet, baka sa ibang galaxy pa.

"GUUUUUYS! HIIII! SORRY!!!" We all put on our poker faces as we turned to look at Amber.

Napaka-bagal kasi ng bruhang 'to! As always! Tch. Dumoble pa ata ang pagaka-kupag nito kesa dati eh. Hindi ko rin alam kung bakit hindi naunang umalis sila IDWTSO (I don't want to speak of). Psh, mas lalo nilang pinapabigat ang atmosphere eh.

Hinablot ko na mula sa hook ang susi ko at didiretso na sana sa sasakyan nang mabangga ako sa isang lalaki. Tangna ano bang ginagawa niya?! Ang lapit lapit niya sakin kanina! Tch.

I took a step to the left but he took a step to the right, result? We're still facing each other.

Ugh.

I heaved a deep sigh before looking at him in the eye. Not the typical look, but a glare.

Pero langya, hindi man lang siya natinag. It's that same blank face that keeps his thoughts a mystery to me. Aish.

I arched a brow at him, as if asking what he wants, but instead of answering me, he just—

"What the hell?!" I shrieked when he snatched the keys away from me and ran.

Conflict and LoveWhere stories live. Discover now