Chapter 75: Bitter Christmas

156 2 0
                                    

•Hazel's POV•

"Ayoko." Sagot ko kaagad. Ayoko. Masyadong mahirap. Kayo kaya, makita yung ex niyong niloko kayo at makasalamuha siya. Tapos magpapanggap pa kayong okay kayo para lang sa mga magulang niyo.

"Pero Ha—"

"Ayoko nga sabi eh." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Mahahalata nila." Walang buhay na sabi ni Audrey.

"Mabuti nga kung ganun eh! At least kapag nalaman nila ang totoong mga nangyari, ipapasawalang bisa nila ang engagement. Ayaw niyo 'yun?"

"Do you really want to let him go?" Mahinang tanong ni Chantelle. Alam ko namang kahit siya, ayaw pa rin eh. Buti nga siya, hindi niloko eh.

"Yes." Tinaasan nila ako ng kilay kaya napabuntong-hininga ako at yumuko. "No."

Hindi naman talaga. Parang ilaw siya sa dilim ng buhay ko. Ganun siya ka-importante. Pero kakapit pa rin ba ako kahit na may pagdududa na ako sa pagmamahal niya?

"So fake it, until you make it. By the way, papunta na sila dito ngayon." Napaangat ako ng ulo sa sinabi ni Audrey. Ang laki-laki pa ng ngiti niya ngayon.

Bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba. Ilang araw palang ang nakakalipas simula nung... hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung anong gagawin ko.

"Uwaaaah! Walang hiya ka! Bakit ngayon ka lang nagsabi?!" Ayan na naman siya. Sinusumpong na naman ng pagka-OA niya. Hay nako.

Nag-kibit balikat lang si Audrey. Tumakbo papunta sa taas si Amber. Anong gagawin nun? Napailing nalang ako.

Pumwesto na ako sa dining table at magsimulang kumain. Ang sarap ng pagkain ah! Mukhang si Chantelle yung nagluto. Buti hindi sunog tulad nung dati.

Kumuha ako ng tatlong pancakes for dessert

"Aaack! Hazel! Mag-ayos ka!" Ayan na naman yung nakakabinging sigaw ni Amber.

"Kita mo namang kumakain ako diba?" Tinaas ko yung kutsara ko at sumubo ulit. Narinig ko siyang nag-tsk. "Anong ginagawa mo?!" Naramdaman ko ang masakit na pag-sabunot ng lecheng suklay sa buhok ko.

"Arrrrgh. Aayusan kita. Kumain ka lang diyan." Nag-shrug nalang ako at pinabayaan siya kahit na nasasaktan ako sa ginagawa niya.

"There." She smiled proudly at me which made me roll my eyes heavenwards. Whatever. Alam ko namang gumawa lang siya ng bagay na makakapagpa-busy sakanya dahil nga pupunta siya.

May narinig kaming mga panlalaking boses sa may sala. Kinuha ni Amber yung plato ko. "Amber ano ba?!" Sigaw ko kahit na punong puno pa ng pagkain yung cheeks ko.

"Go, go." She pushed me off the chair and snatched my utensils too. Nagdadabog akong lumabas at ngumuya. Hmmph!

Pinilit kami ng dalawang elyen na umupo sa magkaharap na sofa. Isang hilera kaming girls at nasa kabila yung boys.

Tinitignan kaming dalawa ni Amber nina Nathan pero hindi kami makatingin sakanila. Hindi namin kaya dahil sa tuwing tatama ang mata namin sa kanila, naaalala namin ang lahat. Baliktad naman yung kay Chantelle at Kevin.

Conflict and Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن