Chapter 53: Secret

Start from the beginning
                                    

"What the hell do you think yo—" Hindi ko na siya pinatapos at hinila na papunta sa rooftop.

"Saan tayo pupunta?! Zach ano ba?! Ba't mo 'to ginagawa?!" Inis na sabi niya.

Actually..... Hindi ko rin alam kung bakit ko siya laging hinihila. Parang sanay na ako eh hahaha! Or baka naman dahil.....Aish! Wala!

Pagkapasok namin ng elevator, hinarap ko siya.

"Sorry sa pag-hila Sapph ah? Dun tayo sa rooftop." Jolly kong sabi. Baka kasi.....wag na nga lang.

Biglang nawala yung inis niya sa mukha at napalitan ng kung ano.

Anong nangyari sakanya?

"Okay ka lang?" Concerned na tanong ko. Psh, oo na. Concerned na. De joke, syempre di totoo yun.

Ba't naman ako magiging concerned diyan eh gangster nga yan eh. Kaya na niya ang sarili niya. Pft.

"Ah.....anong nangyayari sa'yo? B-bakit mo 'ko laging dinadala sa kung saan-saan?" Pagtataka niya.

"Ahhh....wala. Gusto ko mg kasama kung san ako pumunta eh. Bakit? Masama ba?"

"Uh....h-hindi n-naman....." Sagot niya habang nakatitig sakin na may halong takot sa mukha at namumutla.

"Okay ka lang ba talaga Sapph? May problema ba?" Kunot-noo kong tanong. Hindi niya ako sinagot. Tinignan niya lang ako.

"Sapph, I think something's off. Tell me, what is it?" Sabi ko habang kinakapa yung noo niya at hawak yung kamay niya, tutal nalapag ko naman yung mga gamit namin sa floor ng elevator eh.

"B-Blake....." Kinakabahan niyang tanong. Shit. Tinawag niya 'kong Blake? What the....oh well hahaha!

Teka, bakit hindi ako naiinis na tinawag niya akong Blake?! Puta, ano nang nangyayari sa mundo?! Nananaginip ba ako o ano?!

"Ano yun? Tell me your problem." Sincere na sabi ko.

Teka, seryoso ba 'yun?! Nagiging sincere na ako sakanya?! Psh. The heck.

"Okay lang sa'yo na tawagin kitang Blake?" Takang tanong niya. Buti naman di na siya nauutal.

"Uhhh....I guess?" Bumalik na yung pagka-pinkish ng lips niya at ngumiti sakin kaya napangiti din ako sakanya. Nakakahawa yung ngiti niya eh.

*ding!* Napatingin kami sa door ng elevator kaya pinauna ko na siya at binuhat yung mga gamit namin.

Pinunasan ko yung bench at nilagay yung mga bag namin dun. Grabe basa dito. Well, kauulan palang kasi.

"Blake, bakit mo naman ginamit yung panyo mo para punasan yung upuan? May rug naman diyan eh."

She called me Blake again! Ewan ko pero...nakaka-overwhelm?

First time kong maramdaman 'to lalo na't ayokong tinatawag akong Blake. It's so strange.

Conflict and LoveWhere stories live. Discover now