Kung hindi ko hinayaan ang sarili kong makipaglapit kay Dylan ay hindi rin magiging malapit ang loob niya kay David at baka hindi niya pa ito nagustuhan.

Nasasaktan at nahihirapan ako but I know that walang wala iyon sa nararanasan ni Jade. I should be the one who had been shot but instead, siya ang natamaan.

"Josh.. wag mo na silang idamay. Yes, I am really mad, hurt and in pain but I know your business is out of the context. Hindi dapat iyon madamay, successful ka na at ayoko na matigil iyon dahil lang sa nangyayaring ito." I smiled at Jade because I am very proud of her.

Lumapit kami sakanya, ako ay umupo sa paanan niya. Si Jerem ay umupo sa tabi niya kaya humilig siya sa balikat nito.

"I am so sorry. Wala akong nagawa" malungkot na sabi ni Josh. Kuya Jos patted his back to console him.

"Don't worry about that. Hindi ka namin sinisisi" sabi ni Jasper.

"I will do everything to protect each and every one of us" sabi ni Jayden at napangiti ako. My baby brother is a grown up now.

"We will.. we will" sabi ni Jerem kaya natawa kami. Naging seryoso ang mokong, first time!

"What? Gulat kayo no! This is Jerem Scott you fuckers!" Natatawang sabi niya kaya binatukan siya ulit ni Jasper.

"Don't! Baka matamaan mo si Jade" bawal niya dito dahil nga nakahilig si Jade sakanya. Natawa kami lalo nung kurutin sa pisngi ni Jade si Jerem.

"So sweet cousin!" Sabi nito kaya nag inisan pa kami.

After all what happened. Masaya ako na buo parin kami at magkakasama. Atleast I know that at the end of the day, I have this people who will fight for me.

NAKATINGIN ako sa bintana ng kwarto ni Jade. Tinatanaw ko ang napaka busy na syudad. The lights are in full show, napaka ganda tignan.

"Hey" tawag sakin ni Jade. Lumingon ako sakanya at lumapit.

Umupo ako sa tabi niya. Ako nalang ang naiwan. Uuwi na muna daw sila at pag dadala ako ng damit. Nagpresinta ako na magbabantay kay Jade. I want to be atleast there for her.

"May masakit ba sayo?" Tanong ko. Umiling siya at hinawakan ako sa kamay.

"Wala.. but I want to tell you something." Ngumiti lamang ako bilang tugon sa sinabi niya.

"I know that you're blaming yourself sa nangyayari sa akin." Panimula niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

I thought napakagaling ko ng magtago ng mga iniisip ko.

"Don't be shock. I am your bestfriend and cousin. I know you so well.. pero gusto kong sabihin na don't you ever blame yourself. Nagkamali ako.. ako yung nagmahal sakanya. Ako ang nagmahal sa napaka walang pusong tao so don't you ever blame yourself Jas... and this?" Sabay turo niya sa benda niya. Ngumiti ito ng mapait.

"Maybe this was really for you but if I will have the chance to save you? Gagawin ko pa rin Jas. I actually thank this bullet because it made me realize so many things like.. life is short so dapat ay hindi ko sinasayang ang oras sa mga taong hindi ako kayang mahalin, it woke me up from my nightmare like it ended my stupdity. Hinarap niya ako sa kamatayan at hinding hindi ko makakalimutan ang mga itsura niyo nong nakita niyo ako." Wala akong masabi.. I was just sobbing while she is really doing her best to prevent her tears from falling. Namumula na ang kanyang ilong.

"Naisip ko noon na.. Wow! This people here our crying because of me. May mga taong umiiyak para sakin, yung mga taong mahal ako at iniisip ako. Mga taong handang harangin ang lahat para sa akin." I nodded. I just nodded and hugged her.

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now