Kabanata XIX

32.5K 728 11
                                    

Inabala ko ang sarili ko sa pag aayos ng gamit sa condo unit ko. Ang mga luma kong damit ay ibabalik ko mamaya sa bahay namin.

Binuksan ko ang refrigerator at masasabi kong kailangan ko ng mag grocery this weekend.

Napatingin ako sa orasan at dalawang oras nalang ay lunch na. Tinungo ko ang banyo at naligo na. Pagkatapos ko maligo ay nag ayos na din ako. Halos hindi ako makapili ng damit dahil pang malamig silang lahat.

I settled on a turtle neck sleeveless dress.

Tinext ko si Jade at sinabing palabas na ako.

Lumabas ako at halos matumba ako nung makabangga ko si Jade.

"Jade!" Sigaw ko at napahawak sakanya. Para siyang hinahabol ng aso sa pagmamadali niya.

"Ano bang ginagawa mo? Okay ka lang?" Nag aalala kong tanong. Tumango naman ito at hinila ako ng mabilis papasok ng elevator.

"Jade ano ba?! Mapipilayan ako sa ginagawa mo" sabi ko at nung nagsara ang elevator ay doon lamang siya parang nakahinga.

"Im sorry. Couz, can't we just move? I will find a new condo unit promise. Mas maganda at mas convenient" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What? Anong problema? Last time I check, wala naman problema dito and ikaw pa nga ang unang nag agree sa lugar na to--" natigilan ako nung mag flash ang mukha ni David sa isipan ko.

"I know this is out of context but are you and David an item before?" Tanong ko at nanlaki ang mata niya dahil dito.

"No!" Umiwas siya ng tingin at napasandal sa elevator.

Lalong nanliit ang mata ko sa inaakto niya. It's unusual to see her like this.

"We're best cousins right? You promise not to keep a thing from me like I am to you." Napalunok siya dahil sa sinabi ko. Kung ibang bagay lamang ito ay baka tawanan ko pa siya pero seryoso 'to.

"Well, it's complicated, it's just David and I are not in good terms." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero tumunog na ang elevator.

Lumabas kami at sakto ay naka receive kami ng message kay Jayden na nandito na siya sa labas.

"Hi JD" bati ko sakanya nung makalapit kami.

"Nandon na ang iba" na excite naman ako sa sinabi niya. I miss them so much.

Nung makasakay kami sa kotse ay parang nabunutan ng tinik si Jade. Sumandal ito at para bang nawalan ng problema.

"What happened to her?" Nagtatakang tanong ni Jayden.

"Nothing JD, just drive" naiinis na sagot ni Jade. Nag signal nalang ako kay Jayden na mag drive nalang.

Nung makarating kami doon ay nandoon na si Jerem, Jasper, Ate Pin at Kuya Jos. Mabilis silang tumayo at yinakap kami isa isa.

"I miss you. You're a woman now, Jas." sabi ni Kuya Jos sabay halik sa noo ko. Nag mature ang kuya ko!

"Aww, I miss you too Kuya" sabi ko at yinakap din siya. Si Ate Pin naman ang yumakap sakin.

"Did you like the unit?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako.

She look so elegant with her office attire. Naka pencil skirt ito at blouse but she still look so classy.

"Yes. I did and thank you" sabi ko naman.

"Miss you cousin. Super!" natawa ako sa sinabi niya.

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now