Kabanata XXII

34.2K 713 15
                                    

Nakapasok na kami sa mga room namin pero si Ate Pin at Jade ay sumama sakin. Gustong gusto ko ng mag pahinga pero hindi ko ata magagawa 'yon.

"Wala ba kayong balak pumasok sa kwarto niyo?" Tanong ko habang nagsusuklay.

"Dito kami matutulog" sabi ni Ate Pin at tumango tango naman si Jade. Kinalkal nila ang gamit ko para maghanap ng pajama.

"Really? Pati pajama?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Well" natatawa nilang sagot at nag ayos na.

May kumatok kaya tinungo ko ang pintuan. Pagkabukas ko nito ay isang staff na may hawak na sunflower ang nasa harap.

"Mam pinabibigay po sainyo ni Sir Dylan." hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil sa sinabi nung staff.

"Uhm, thanks" sabi ko at kinuha ito. Sinara ko na ang pinto at babalik na sana nung makita ko ang dalawa kong pinsan na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.

May naglalarong mga ngisi sa kanilang labi.

"What?" Inosente kong tanong at derederetso akong pumasok sa kwarto ko.

"What what ka diyan" natatawang sabi ni  Jade. Inilagay ko ang bulaklak sa isang vase na may laman din mga bulaklak.

"Dylan?" Tanong ni Ate Pin aat tumango naman ako.

"Are you sure about this? I mean are you sure that its okay to have a connection again with him?" Sunod niyang tanong sakin. Honestly, hindi ko alam ang ssabihin ko. Hindi ko din alam kung okay lang saakin. Pero gusto ko to. Alam kong gusto ko.

"I don't know. Pero hindi ko mapigilan. The only thing that is stopping me from going to him again is the respect I have for his family" seryoso kong sabi at humiga sa kama ko. Sumandal ako sa headboard ng kama at umupo naman sila sa harap ko.

"Ayos lang ba sayo na masaya nga kayo pero hindi naman kayo tanggap ng pamilya niya?" natigilan ako sa sinabi niya. Kaya ko nga ba?

"Why did you decided to stop two years ago?" Tanong sakin ni Jade na obviously ay alam naman nila ang rason. I know that she is only proving a point.

"Well, because I want to be ready. Yung sigurado na ako sa feelings ko sakanya at alam kong kaya ko na siyang ipaglaban" sagot ko sakanila.

"I know that you're ready now. Pero kaya mo ba? Na- mabuhay kasama niya pero alam mo na hindi ka matatanggap ng pamilya niya" I don't know what to answer.

Family oriented ako. Gusto ko ay magkasundo lahat. Ayoko ng ganito. Padalos dalos nanaman ako.

"Hindi ka namin pinipigilan sa nararamdaman mo sakanya. It's just that.. ayaw din namin masaktan ka ulit." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi nila. I understand them. I freaking do.

"Just a piece of advice.. kung itutuloy niyo ito. Ayusin mo muna ang mommy niya" marahan lamang ako tumango.

"Sorry nahirapan ka sa mga tanong namin. We only want the best for you" tumango ako sa sinabi ni Jade at yinakap silang dalawa.

"Thank you guys." Sabi ko at humiga na kaming tatlo.

Humiga ako na iniisip siya. Natulog ako ng iniisip din siya.

Nagising ako ng madaling araw na iniisip pa rin siya.

TULOG na ang lahat pero gising na gising pa rin ako. Hindi ko magawang matulog.

Umupo ako at tumingin sa kabuuan ng kwarto. Nagulat ako nung umupo si Jade.

"PAPATAYIN MO BA KO JADE?" napalakas kong sabi at napahawak ako sa dibdib ko.

Facing The Legacy (FS # 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora