Kabanata V

56.1K 1K 33
                                    

I was looking at Ate Pin and Kuya Jos. Nag susulyapan sila na parang may problema. Si Jess ay nasa tabi ni Jade. Naguusap sila pero kanina ko pa napansin na sulyap ng sulyap si Ate Pin at Kuya Jos doon.

May problema ba?

"Saan niyo balak mag bakasyon? Sembreak na, are we gonna stay home and join the sembored team?" tanong ni Kuya Jos sa amin.

I laughed by what he said.

Nasa hotel kami ngayon, nasa top floor kami. Umiinom ng wine ang boys. Kaming girls ay nag pass muna, hindi naman kami ganon kalala uminom.

"Dapat mag beach tayo Jos! Para maraming sexy girls!" Excited na sabi ni Jerem at nag apir naman sila ni Jayden. Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Lagi nalang kaming nag be-beach. It's not like.. I hate beach. Mas gusto ko lang talaga sa mga malalamig na lugar. Though Jess and Jade surely loves beach. Me and Ate Pin prefer cold places. Baguio and Tagaytay in on the top of our list.

"Let's beat the heat!" At tinaas pa ni Jerem ang hawak niyang wine.

"But of course.. Joshy ikaw pa din ang no.1 ko" sabi ni Jerem kaya binatukan siya ni Jayden. Natawa naman kami dahil don.

"Selos ka lang Jayden! Diyan ka kay Jasper! Ako kay Joshy! Hayaan na natin si Jos" Lalo kaming natawa. 

"Shut up Jer! Mag papasko na! Hindi summer!" Sigaw ni Jayden at nagtawanan kami lalo.

"Paki mo ba! Sa hotness kong ito, iinit talaga" pinagtutulak naman siya nila Jayden at Jasper kaya natawa kami.

Don't get Jerem wrong, hindi siya gay.. Bromance daw nila yon.

Jerem will always be a playboy while Jayden, Josh and Jasper are the ladies man. Dinefine na nila ang pagkakaiba non.

Kuya Jos, well he is a loyal man. Matagal siya bago mag ka girlfriend after ng last break up niya. Sa ngayon ay wala pa siyang girlfriend ulit.

"Okay, Zubic? Boracay? Where do you want to spend our sembreak?" Tanong ni Kuya Jos at mukhang lalong naexcite si Jerem.

Tinignan ko ang cellphone ko at may missed call mula sa isang unknown number. Well, I don't talk to strangers so bahala na kung sino tumawag.

Hindi kaya si.. no!

Of course not. Imposibleng siya ang nag missed call sakin.

"Boracay! Para may local at foreign! There will be choices!" Natatawang sabi ni Jerem. Itinapat niya ang kamay niya kay Josh pero hindi siya napansin ni Josh dahil nakatingin ito kay Jess.

"Dude! Na seenzoned ako sa personal! Grabe Joshy masakit!" Sabi ni Jerem at hinawakan pa ang puso niya.

"Shut up" natatawang sabi ni Jasper at umiling iling pa.

I want to talk to Ate Pin about their problem. Pagkatapos nilang kambal at ako ang susunod na pinaka matanda. I deserve to know. Mahal na mahal ko ang pamilya namin para hayaan na magka problema 'to.

"Game? Boracay? I'll make reservations for three days" sabi ni Kuya Jos at tumango naman kami.

Matagal tagal na din nang huling punta namin doon.

"Hindi lang sexy waves ang makikita don at sexy curves. Pansinin mo din ang white sand, Jer!" Nang aasar na sabi ni Jasper. Kumunot ang noo ni Jerem.

"Jerem, I thought you have a girlfriend?" Tanong ko sabay ngisi.

"Break na kami tsaka I don't do girlfriends Jas." nanlaki ang mata ko. Last two days palang naging sila.

Facing The Legacy (FS # 1)Where stories live. Discover now