Kabanata XXIV

31.9K 718 12
                                    

"Excuse me po but I think this is not the time to talk about this. Please proceed to your tables" para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Josh.

"Mom I would like to join their table" nagulat ako sa sinabi ni Jess. Mukhang nagulat din ang mommy niya.

"Fine. I don't want to make this a big deal. We will talk later the both of you" tumalikod na sila at kami din ay humarap na sa mga pinsan ko.

"Are you okay?" Tanong nila sa akin. Tumango naman ako at ngumiti.

"Jess.. we miss you" panimula ni Jade at yinakap siya. Atleast kahit papaano ay nagiging okay na.

"Jess. Sorry" mahinang sabi ni Jerem at nagkamot pa ng batok. Nakita kong lumuha si Jess at mabilis na yinakap si Jerem.

"Jer.. I miss you" sabi niya at yinakap din siya ni Jerem.

Yinakap din ako ni Dylan gamit ang isa niyang kamay.

Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.

"I'm sorry" bulong niya sa akin. Napangiti ako at yinakap ko din siya.

"No Dylan, wala kang kasalanan. Thank you" sabi ko. Pumikit ako na para bang dinadama ang sitwasyong ito.

Pinagtanggol at pinaglaban niya ako.. sapat na 'yon.

TAPOS na ang party. Konti nalang kaming mga natira dito. Paalis na rin kami.

"Kuya.. I want to stay here for a while. Kausapin mo naman si mommy" narinig kong sabi ni Jess kay Dylan.

I doubt na papayagan siya. Pero sana payagan, I want to catch up with her.

"Ok, I'm gonna talk to her" sabi ni Dylan kaya napangiti ako. Mukhang close na sila kahit papaano.

"You're gonna stay in my room little sister" sabi ni David. Kumunot naman ang noo ni Jess.

"Kuya! You're crazy" natatawang sabi ni Jess at natawa din kami. Ngumuso si David.

"Baka may gumapang pa sayo" nakangising sabi ni David at tumingin kay Josh. Hindi ko rin napigilan tumingin.

Lahat pala kami ay tumingin sakanya.

Anong nangyayari? May hindi ba ako alam?

"David.. this man here has a girlfriend. I am sure hindi mangyayari yon" confident na confident na sabi ni Jasper at inakbayan pa si Josh.

Nakita kong nagulat si Jess. Hindi alam ni Jess? Hindi ba siya kinwentuhan ng mga kuya niya?

"Y-you have a g-girlfriend?" Nauutal na sabi ni Jess. Binatukan naman ni Jade si Jasper.

Napa hawak nalang sa ulo si Jasper.

"Yeah" matipid na sagot ni Josh. Bakas sa mukha ni Jess ang sakit. Maybe hindi nila nakikita yon pero kilala ko siya. For how many years ko rin siyang kasama.

May gusto ba sila sa isa't isa? Well okay lang naman 'yon.. pero paano yung girlfriend ni Josh?

"Oh" tanging sabi ni Jess at ngumiti pa.

Nakatingin lamang si Josh sakanya na para bang sinusuri niya ito.

"I'm going to look for mom" sabi ni Dylan at tumayo. Ako din ay tumayo muna at sinabing mag c-cr ako.

"I'll go with you" sabi ni Jade sa akin at sinamahan ako.

"Kakaiba talaga ang mommy nila no" mapait na ngumiti si Jade sa akin habang nag aayos kami sa powder room.

Facing The Legacy (FS # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon