Kabanata IV

56.3K 1.2K 40
                                    

"Jas!"

Napalingon ako at nakita ko si Ate Pin. Napalunok ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Lumapit siya samin at pinakatitigan si Dylan.

"Let's go ate" sabi ko at hinila siya pero ayaw niyang magpatangay.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw niyang sumama.

"So you like my cousin?" tanong niya at tinaasan ng kilay si Dylan. Napatingin ako kay Dylan na hindi man lang sumagot.

Shit.

I felt pain pero mabilis ko din yun tinanggal sa isip ko.

"I don't think I need to answer that question now." napalunok ako, natawa si Ate Pin.

Saan ba patungo ang usapang to?

"Honest.. that is good. Well wala naman akong problema sayo but Kuya Joseph surely has problems so watch out Wong" sabi niya at hinila na ako paalis doon.

What? Ayos lang sakanya?

Pinigilan ko ang sarili kong lumingon kahit gustong gusto ko.

"Kanina ka pa hinahanap ni Hosep. Buti nalang ay hindi siya ang nakakita sayo. By the way.. bantayan mo ang sarili mo.. delikado kung mahulog ka doon sa Wong. Chinese people have their legacy. Hindi ko alam kung uso pa yon sakanila pero you heard about the chinese are for chinese?" tumango nalang ako at sumama na sakanya papunta sa VIP Lounge ulit.

Napaisip ako sa sinabi ni Ate Pin.. chinese are for chinese? Pero hindi naman magiging kami eh, imposible din. I shouldn't think about that.

Nakakatawa na wala pa man ngang nangyayari ay linalatag na sa harapan ko ang mga bawal.

Tumabi ako kay Jade at Jess. Ngumiti ako sakanila dahil kung tignan nila ako ay parang may ginawa akong masama.

"I saw what happened." Ani Jade at kininditan niya ako.

Napaawang ang labi ko. Why does it sound so weird? Jade saw me having my first kiss?

"What is it?" Tanong ni Jess pero mabilis kong pinanlakihan ng mata si Jade kaya humagikgik siya.

"Wala naman Jess. Nakipag tukaan lang ate mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Tukaan? Ano ako? What the heck?

Tumawa si Jess na parang nakuha niya 'yon. Ako naman ay napasapo nalang sa mukha ko.

May mga bagay na pinipilit, may mga bagay na pinababayaan nalang.

Natapos ang gabi ng normal lang maliban lang don sa nangyari sa dance floor. Maayos naman lahat at hindi ko na din nakita si Dylan. Mabuti nalang nga at hindi ko na siya nakita dahil hindi ko kakayanin na harapin siya ngayon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko alam paano magreact.


Pinapanuod namin sila Jayden mag practice. Tinignan niya ako at nginitian ko siya.

"Jas nakalimutan ko yung book ko sa room." sabi ni Jade.

Kumunot ang noo ko.

"Okay I'll get it for you. Bibili na din ako ng drinks nila. Hold my bag for a while." sabi ko kay Jade at kinuha lang ang wallet ko.

"Samahan na kita Jas" sabi ni Jade pero umiling ako.

"Samahan mo nalang si Jess diyan. Hintayin niyo si Ate Pin" sabi ko at tumango naman siya. Lumabas na ako ng gym at tinungo ang room nila Jade at Jess. Magka block kasi sila.

Kailangan kong bilisan dahil nag sasara na ng room ang guard. Dahan dahan akong pumasok sa room nila at nagulat ako nung makita ko Dylan doon sa loob.

Facing The Legacy (FS # 1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα