Chapter Eighteen

1.3K 50 2
                                    


I was feeling lightheaded when I opened my eyes. Agad akong napapikit ng makita ko ang ilaw, I adjusted myself first tsaka ko uli minulat ang mga mata ko. I felt a warm hand enveloped mine. Napatingin ako sa paligid. I was in a large room, nanuot sa ilong ko ang amoy ng gamot.

“Sam...”

Napatingin ako sa tabi ko. I immediately saw Marco. He's eyes is directly staring at me, mugto ang mga mata nito at nangingitim ang pangibabang mata.

“Oh God... Thank you,” he said and the he covered his face using my hands. Naramdaman ko ang mga luha niya doon, “P-pinag-alala mo ako,”

Napangiti ako ng tipid at itinaas ang isa kong kamay para haplusin ang buhok niya. Napa-angat ang tingin niya sa akin, I gave him a small smile and I wiped his tears.

“I... I'm sorry...” hinang hinang sabi ko.

I felt another pain from my back. At bigla kong naalala ang nangyari sa akin. Sander just pulled the trigger twice at ang dalawang balang 'yon ay tumama sa likod ko. Buti buhay pa ako sa ginawa niya.

“May masakit ba sa'yo?” he asked.

“Iyong likod ko lang pero kaya naman, ” sagot ko.

Muli kong inilibot ang tingin sa kapaligiran pero ka agad ding napahinto ng maalala ko ang anak ko na ngayon ay nandito din sa hospital.

“Si Sari?” gagad kong tanong.

Umayos muna ng upo si Marco at itinabi niya ang mga hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. And he gave me happy smile, parang doon pa lang ay alam ko na ang ibig sabihin ng pagngiti niya pero gusto ko pa ding marinig o makumpirma mula sa kaniya.

“She's fine now. Kanina ay gumising siya, she just fell asleep again.”

Nakahinga ako ng malalim at taimtim na nagpasalamat sa taas. Okay na. Okay si Marco, okay si Sari, at okay ako. We're all okay at kontento na ako. Pero si Sander at Chelsea. Ano na kayang nangyari sa dalawang 'yon?

“Where's Sander? Si Chelsea?” nag-aalalang tanong ko.

I'm worried na baka bigla na lang uli silang magplano ng kung ano ano sa amin nila Marco. Sana sapat na ang ginawa nilang pananakit sa amin ng anak ko para masabi ng nakaganti na sila sa isang kasalanan na hindi naman namin alam o ginawa.

“Si Sander, he's gone.”

Umawang ang mga labi ko sa sinabi ni Marco. May parte sa akin na nagsasaya at napanatag pero may parte din sa akin ay nalulungkot. I don't know but when I heard his reasons why he's doing this parang may pumitik sa dibdib ko na kung anong emosyon.

Na kaya nagiging masama ang isang tao ay dahil sa tindi ng isang galit.

“How about Chelsea?”

“I don't know where she is now...”

Napalunok ako bago napatango tango. Sander is gone now, wala ng mangugulo sa amin. Magkakaroon na  kami ng masaya at tahimik na pamilya pagkatapos nito.

“You might be thinking, bakit gano'n ang relasyon nila Chelsea at Sander,”

Hindi ako makapagsalita dahil iyon ang gusto kong tanungin kanina pa sa kaniya. Pero ayaw ko namang basta basta lamang magpumilit dahil baka masiyadong pribado, gusto kong siya mismo ang magopen up sa akin lalo na't ganito ang sitwasyon.

“Sander and Chelsea are not cousin. I mean... Chelsea is an adoptive daughter,”

Umuwang ang labi ko at nagulat sa sinabi niya. Kaya naman pala, parang wala lang kay Sander ang lahat at para siyang panatag kasi gano'n naman pala ang koneksyon nila sa isa't isa.

What Happened To Us? (Completed) Where stories live. Discover now