Chapter Four

3K 108 19
                                    

Warning: Spg. R-18.

Read at your own risk.

***

“Ilang araw ba tayo sa Davao?” tanong ko kay Marco ng maka-upo na kami sa upuan.

We are already here in the plane, we are just waiting to take off. Wala na rin naman akong nagawa ng sabihin ni Marco na kasama ako, siya naman kasi ang masusunod sa aming dalawa. Hindi niya din sinasabi sa akin bakit nagbago ang isip niyang isama na lang ako sa Davao.

“Isang araw,” umawang ang mga labi ko sa sagot niya.

Isang araw lang tapos kailangan niya pa akong isama? For sure, maiiwan lang ako sa hotel na pags-stay namin dahil nandoon siya sa meeting nila. Oh scratch that, maglilibot na lang pala ako at hindi ko siya isasama.

“Isang araw lang pala eh,” bulong ko at tumingin sa labas.

“Kaysa naman iwan kita sa bahay, mamaya makipag kita ka pa sa lalaking 'yon,”

Nilingon ko siya ng marinig ko siyang may binubulong na kung ano. Pinaningkitan ko siya ng mata pero umirap lang ang loko! Napaismid na lang ako at hinintay na lang na makarating kami sa Davao.

“I'm just going to sleep, just wake me up if you need something,” I said before I turn my back on him.

I heard that he let a heavy sighed.

“Samantha, asawa kita. Hindi katulong,”

Kumunot ang noo ko at sandaling napatitig sa labas ng eroplano.

Pero hindi ba, ganoon naman talaga ang ginagawa ng mga babae sa isang mag-asawang relasyon? Ang silbihan ang asawa nila. At ganoon naman  talaga ang dapat kong gawin simula't sapul, ang maging isang mabuting asawa sa lalaking 'to.

“Ganoon din 'yon, Marco. Pagsisilbihan kita,” iyon lamang ang sinabi ko bago ipikit ang mga mata.

Narinig ko na lang ang pagtikhim ni Marco at hinayaan ko na lang siya. Napagdesisyunan ko na lamang na ipikit ang mga mata ko at matulog na lang.

NAGISING ako ng tapik tapikin ng ninuman ang pisngi ko. At ng buksan ko ang mga mata ko, nakita ko ang gwapong mukha ng ex-boyfriend ko. Asawa ko na pala.

“We're here,” tumango ako at nag-ayos ng sarili.

Kinuha niya ang mga luggages namin at siya na ang nagdala no'n na laking pasasalamat ko naman na nagkusa na siya. Sinundan ko lang siya hanggang sa makalabas na kami ng airport. Agad namang may sumalubong sa aming matandang lalaki at mukhang siya ang driver ng service namin.

“Good evening, Sir Marco,” nakangiting bati nito kay Marco bago bumaling sa akin na may ngiti din. “Good morning po, Ma'am Samantha,”

I smiled sweetly, “Good morning din po kuya,”

Tinanguan lang ni Marco si manong. Attitude talaga isang 'to! Hindi man lang marunong bumati o simpleng ngiti lang. Buti na lang mukhang mabait si manong driver at sanay na sa ganitong attitude.

“Pasok na po kayo ma'am at sir,” marahan akong tumango at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Hinintay ko sila Marco na matapos ang pag-aayos sa mga gamit na inilagay sa likod.

Sumandal ako sa kinauupuan ko at inisip ang pwedeng gawin mamaya. Isang araw lang naman kami ni Marco dito, siya, nandoon sa meeting.  Samantalang ako ay maiiwan lang sa hotel, bakit ba naman kasi sinama sama pa ako ng dumuhong 'to, diba?

I took my phone. Nag-search ako sa mga pwedeng paggalaan. Ang daming magagandang places pero hindi ko naman kayang puntahan 'yon ng isang araw lang!

What Happened To Us? (Completed) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu