Chapter Two

3.5K 116 4
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking pagmumukha. Iminulat ko ang mata ko at inoserbahan ang kabuuang kwarto bago dumako sa tabi ko. Plantsiyado pa ang sapin na nasa tabi ko, mukhang nauna ng nagising si Marco.

I started to do my morning routine. Naligo at nagsuot ako ng simpleng t-shirt at leggings. I was about to go downstairs when my phone rang. I immediately answer it when I saw my sister's name.

"Ate!"

Napangiti ako agad sa sigla ng boses nito. Shelina is a high school student, she's so sweet and strong. But despite of being that girl, meron siyang kinakaharap na pagsubok. Shelina has a heart failure, when my mom gave birth to her, the doctors said she's not breathing when she came out. But miracle happens.

"Hey!"

"I miss you so much! Okay ka lang ba diyan?"

Napangiti ako ng tipid ng marining ang pag-aalala sa boses nito. Alam niya ang tungkol sa amin ni Marco, alam niya ang lahat na hindi alam ng iba.

"Yep, ayos lang ako. Ikaw?"

"I'm fine too, hindi na ako masiyadong sinusumpong,"

"That's good! Always take your medicines lang, okay?"

Hinintay ko ang pagsagot niya pero wala akong narinig. Tinignan ko ang phone ko at baka wala na akong kausap pero on call pa rin naman.

"Sheline?"

"Ate, please be okay for me,"

Umawang ang mga labi ko. Napayuko ako ng maramdaman ang nagbabadyang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

"Ofcourse, I'll be okay. I'll be okay for our family. But promise me also that you'll be okay for me, okay?"

Napalingon ako sa kabilang kwarto ng bumukas iyon. Niluwa doon si Marco na nakasuot ng khaki shorts at button down polo, magulo ang buhok na hindi pa nasusuklayan dahil bagong ligo. Napahinto ito ng makita ako. Agad ko namang inawas ang mga mata ko at bumalik sa pakikipag-usap kay Sheline.

"Shelina, I need to go. Paki kamusta na lang ako kay Mommy, I love you."

"Okay ate, I love you too. Take care always,"

I ended the call.

Tinignan ko uli si Marco na nakatingin pa din sa akin. Tumikhim ito at naglakad, akala ko ay kakausapin niya ako pero nilagpasan niya lang ako at bumaba na ng hagdan. Napabuntong hininga ako at sinundan na siya sa ibaba.

Hindi ko alam kung saan pupunta si Marco pero nakita ko siyang palabas ng pinto. Nagkibit balikat na lang ako at tinungo ang kusina para magluto ng breakfast namin.

Hindi siya unang nagising, talagang hindi niya ako tinabihan sa pagtulog. May parte sa akin na parang nagpapasalamat at may parte sa akin na para bang nasasaktan. Ganon ba niya ako ka-ayaw? May girlfriend 'yung tao!

I let heavy sighed and went to fridge. I cooked for two people.

Alam ko namang hindi ako sasabayan ni Marco, nauna na akong umupo sa stool. Kukuha na sana ako ng fried rice ng biglang may umupo sa tabi ko.

"Don't you have any plan to call me?" malamig nitong sabi at kumuha ng ulam.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkuha ng fried rice.

"I tought you don't want to eat with me," hindi na siya sumagot. That could be the answer is a yes.

Tahimik lang kami kumakain. Parang gugustuhin ko pang kumain mag-isa kaysa sa ganito kaming dalawa.

What Happened To Us? (Completed) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora