Chapter Ten

2.1K 75 6
                                    


“Sari!”

Natawa ako dahil sa paghahabol ni Shelina sa anak ko. Sobrang likot naman kasi at parang hindi batang babae. Nagtago si Sari sa isang puno na akala mo hindi siya makikita ng Tita Shelina niya. Habang si Shelina naman ay nagkunwaring hinahanap si Sari.

“Ate, nakita mo ba si Sari?” pagsasakay ni Shelina sa trip ng anak ko.

Tumingin ako kung nasaan si Sari, she motioned me na huwag maingay kaya tumango ako at ngumiti.

“Hindi eh,”

Nagkamot kamot sa ulo si Shelina na tila hindi alam ang gagawin. Ngingiti ngiti lang ako habang nakatingin sa kanilang maglaro.

We're here in the nearest park malapit sa bahay namin. It's been two days ng maka-uwi kami dito sa Philippines. Galing kaming Norway, doon ko pinanganak si Sari. Sariannah Lindsay. She's now a three years old, sobrang bibo at daldal na bata.

Since the time that she came into my life, everything just changed. I made myself a better person for my daughter. I work hard for my family para hindi na kami umasa sa pamilya ng tatay ng anak ko.

Yes, pinutol namin lahat ng ugnayan namin ni Marco. He didn't know about Sari. Nagfile na ako ng annulment. Nagtrabaho ako until I became a fashion designer, meron na akong isang clothing line na merong iba't ibang branch.

Simula ng tinapos ko lahat sa kaniya at dumating sa akin si Sari, masasabi kong naging masaya na ako.

“Mommy! Mommy!”

Nilingon ko ang cute kong anak. She's wearing a black leggings and a white t-shirt na may tatak ni Minnie Mouse tsaka isang tsinelas. Her hair is slightly curl kaya tuwang tuwa ako tuwing inii-style ko ang buhok niya.

“Yes, anak?” I asked tsaka hinalikan siya sa pisngi.

“Mommy, I want an ice cream.” she pouted her lips para magpa-cute.

Natawa ako tsaka binuhat siya para panggigilan ang pisngi niya. Ang cute ng anak ko! Maraming nagsasabi na kamukha ko daw siya lalo na sa mata at bibig, kuhang kuha daw ni Sari 'yon sa akin. Pero para sa akin, mas kamukha ni Sari ang daddy niya. Ewan ko, pero iyon talaga ang nakikita ko.

“Okay, let's buy you an ice cream,”

Pumunta kami sa isang mama na nagtitinda ng ice cream. Bumili ako ng tatlo para  'yung isa ay para sa kapatid kong isip bata din.

“Tita Lina, here's your ice cream po,” Sari said before she gave the ice cream to Shelina.

“Aw, thank you baby!” Shelina kissed Sari on her cheeks. Parehas kaming natawa when Sari just giggled.

“Mommy, are we going to live here?” Sari asked.

“Yes, do you want that?”

She cheerfully nodded. Natuwa naman ako na gusto niya ditong tumira, well, when we are still in Norway she always asking me kung kailan kami uuwi here sa Philippines. Hindi ko muna kasi siya in-expose sa mga trips abroad dahil sobrang baby niya pa para sa akin. That's why everytime nakaschedule ang mga damit ko for fashiow show, I always contacted my mom para pumunta ng Norway at maalagaan si Sari.

“Mommy, Tito Chester gave me a barbie dolls!”

Napatingin ako kay Shelina, for four years na wala ako sa Philippines.. ang daming nangyari. At isa na doon ang naging ex ni Shelina si Chester. I don't know what is the real reason why they end their relationship. Ayaw din naman pag-usapan ni Shelina kaya hindi na ako nagpumilit pang magtanong.

“What did you say to Tito?”

“Salamat po,” natawa ako dahil sa pagsasalita niya ng tagalog. Mas nasanay kasi siya sa English but she can still speak tagalog fluently pero nabubulol lang siya.

What Happened To Us? (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon