Chapter Fifteen

1.6K 57 2
                                    

“Okay, let's proceed here,” sabi ko with the other fashion directors.

Iniwan muna namin ni Marco si Sari kina Mommy dahil parehas kaming pinatawag for our business matter. Hindi pa namin napag-uusapan ni Marco ang tungkol sa trabaho, he have his own company and I have own too. Inaalala ko si Sari, baka magtampo siya at wala kaming time for her. Hindi ko din kasi masasabi basta basta ang pwedeng mangyari.

“So we have a model here for our Summer Collection,” sabi ni Elaine.

Pumasok ang isang model na suot ang mismo kong design. It's already February and we are preparing for our Summer Collection, ang launching namin ay sa second week ng April. Of course, maraming gagawin for this collection.

“Hmmm...” tango ko tsaka tinignan ang model from head to toe.

It is simple white spaghetti strap na may tatak ng 'Artemis' atsaka denim shorts. Bagay na bagay sa model, the quality is good too.

“Okay,”

May pinakita pa sa akin ang ibang fashion director ng mga iba't ibang designs for our new collection. Lahat ay in-approve ko dahil lahat naman ay pinaghirapan nilang pag-isipan. They also like my own designs kaya inayos ko na ang lahat for launching.

It was a tiring meeting, pagkatapos no'n ay umuwi ako sa bahay namin ni Marco. Nagpalit lang ako ng damit at dumiretso na sa bahay nila mommy dahil susunduin ko si Sari. Pupuntahan kasi namin si Marco because we will have a family dinner later.

“Ma'am. Kayo po pala,” sabi ng katulog namin tsaka ako sinundan. “May gusto po ba kayo?”

Ngumiti ako at umiling, “Nothing, manang. Kukunin ko lang po si Sari. Aalis din po kasi kami,”

“Ay, nasa likod ho sila ma'am. Nilalaro si Sari,”

Tinungo ko ang bakuran namin and I immediately saw my daughter running and laughing because her Tita is chasing her. Natawa ako dahil sa itsura ni Sari, she's so cute!

“Baby!” tawag ko kay Sari. Mabilis itong lumingon sa akin.

“Mommy!” tili niya.

I bent my knees so I could hug her. Her eyes are also smiling kapag ngumingiti siya at sobrang saya saya. She's so charming and sweet.

“Mommy, punta na tayo kay Daddy...”

Nilingon ko sila Mommy, sabay sabay kaming natawa dahil handa siyang iwan na lang basta basta ang mga Lola niya.

“Pupuntahan niyo si Marco sa building nila?” tanong ni Shelina.

Tumango ako tsaka binuhat si Sari na ngayon ay nagsisimula ng sumpungin dahil gusto na daw niyang makita ang daddy niya. She keeps kicking and pouting, naiiling na lang ako dahil sa kaartehan niya.

“Una na kami. Nagsisimula na namang sumpungin, oh.”

Humalik muna ako kina Mommy, Daddy at Shelina tsaka nagpasalamat sa pag-aalaga nila kay Sari. Lumiwanag naman ang mukha ni Sari ng malaman niyang aalis na kami para puntahan ang daddy niya.

Pinasok ko si Sari sa passenger seat tsaka ko inayos ang seat belt niya. I chuckled when she started to sing twinkle twinkle at may pa-motion pa sa mga kamay.

“Sari, your daddy have a gift for you,” imporma ko sa kaniya.

Marco just told me yesterday that he have a plan to make a mini house for our daughter, he loves spoiling Sari everyday. Minsan nga ay nag-aalala na ako na baka masanay si Sari but I'm thankful na matalino at mabait ang anak ko. Siya na mismo minsan ang nagsasabi na sobrang dami na ng pinamili ng daddy niya sa kaniya.

What Happened To Us? (Completed) Where stories live. Discover now