Chapter Nine

2K 77 6
                                    


My heart is beating so fast, I don't know what should I react. Nakatingin lang ako sa pregnancy test na nasa harapan ko ngayon. It's positive. I'm pregnant! I'm pregnant with Marco's child.

Napangiti ako until I felt those tears rolling down to my cheeks. Kinuha ko ang pregnancy test at inilagay sa bag ko. Ipapakita ko 'yon kay Marco, for sure magiging masaya 'yon!

No...

Iyong babae sa resort. Muling bumalik sa aking isipan ang sinabi ni Sander sa akin. Iyon ba ang naging ex ni Marco at hanggang ngayon ay mahal niya? Napahawak ako sa puson ko. There's a life inside of me...  anak namin ni Marco.

Matutuwa nga ba talaga si Marco o magkukunyari lang siyang matutuwa dahil maaawa lang siya sa akin?

“Bullshit..” I cursed when those negative thoughts just came in my mind.

Napalunok ako at napabuntong hininga bago kunin ang phone ko. I searched for Marco's name in my contact list and I texted him.


To: Hubby

can we meet? I just have something to tell you. It's important.


While preparing myself, I waited his text but I didn't receive any messages kaya naman tumayo na ako at pumunta sa baba. Pero bago ako dumiretso sa garage, I checked for Flakes if he is okay para iwanan.

“I'll be right back, Flakes. Diyan ka lang ah? I'll give you a lot of dog foods at dog stuffs when I got home,” sabi ko sa kaniya tsaka hinimas ang uluhan niya.

Naglakad na ako papunta sa garage. Bago ako umalis, I silently prayed na sana maging okay ang lahat. Na sana maging totoo ang tuwa ni Marco kapag nalaman niya ang tungkol sa magiging anak namin.

After I prayed, pina-andar ko na ang sasakyan ko. While on my way, I received a message from Marco that he's not in his company building. So, nasaan siya ngayon? The new text message just answered my question. And Marco said he's in a hotel, he told me also the location.

What is he doing there?

Kahit nagtatakha ay doon ko diniretso  ang sasakyan ko. Halos kalahating oras din ang tinagal ko sa daan bago makarating sa hotel kung nasaan si Marco. May meeting kaya sila dito?

Habang nagpapark ng sasakyan, nakita ko din ang sasakyan ni Marco sa di kalayuan ng sasakyan na gamit ko. So, it's confirmed Marco is here.

Huminga ako ng malalim bago inisip paano ko sasabihin kay Marco ang tungkol sa pagbubuntis ko.

“Kaya mo 'to, Sam.” I said to myself.

Kinuha ko ang bag ko tsaka bumaba na ng sasakyan. I made sure na naka-lock 'yon bago ako pumasok sa loob ng hotel.

“Wow! You are here!”

Napalingon ako kung saan galing ang boses na 'yon. Napalunok naman ako agad ng makitang si Sander iyon na hindi matanggal tanggal ang mga ngisi sa mga labi. I looked away at handa na sana siyang layasan ng bigla niya akong hawakan sa braso.

“Let me go!” madiin kong sabi.

He laughed like a crazy, “I'm telling you, Samantha. Masiyado kang malandi para mang-agaw. You don't deserve to be happy, bitch.”

Parang nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Malakas kong binawi ang braso ko tsaka siya sinampal. Tumagilid ang pagkakaharap ni Sander sa akin dahil sa lakas ng sampal kong 'yon. Galit na galit ko siyang tinuro.

“How dare you to say those words! Wala kang alam sa nangyayari! Ako ang pinakasalan kaya ako ang legal at mahal!”

I don't know why I'm so confident to say those words. I just don't know... nagbabaka sakali din naman ako na kaya akong mahalin ni Marco kagaya noon. Kagaya ng ginagawa ko ngayon. Sadiyang may pagkatanga lang ako para maniwala sa nakikita ko at sinasabi ng ibang tao.

What Happened To Us? (Completed) Where stories live. Discover now