"Shut up Tam. I don't need you here. Mamaya na tayo magkita. Umuwi ka na lang muna." Napanganga si Tamara kay Adam na parang hindi makapaniwalang sinigawan siya nito. Sumimangot ito sa kanya bago inalis ang mga kamay na nakakapit sa braso nito. Inayos ni Tamara ang bag na nasa balikat bago tumikhim at tamad na tinitigan ako bago kay Adam.

"Whatever Adam, but you're right. You don't need me here. But you'll probably need me later. See you tonight on my bed lover boy." Nakataas ang sulok ng labi ni Tamara at wala na ang bahid ng inis sa mukha niya. Hinawakan ni Tamara ang pisngi ni Adam at akmang hahalikan na sana ito pero umiwas si Adam. Malalim na bumuntunghininga na lamang si Tamara at parang nagkakaintindihan ang mga mata nila sa kung ano man ang gustong iparating nila sa isa't isa, kaya naman tuluyan ng umalis ito at naiwan na kaming tatlo nina Adam at Greg. Lumabas naman mula sa pagkakatago si Greg sa aking likuran ng masiguro yatang wala na si Tamara. Suminghap si Adam bago nagpasyang lumapit sa amin. He stood still for a while when he reached near us. Madiin ang mga titig niya sa akin bago yumuko at lumuhod kay Greg para magpantay sila. Ngumiti si Adam kay Greg.

"Hello big boy. You want to go out?" Ginulo ni Adam ang buhok ng anak at tinanong kung gusto bang lumabas ni Greg. Tumingala naman si Greg sa akin bago muling tumingin sa nakangiting si Adam.

"Who is that girl daddy? Is she your friend?" Kunot noong tanong ni Greg. Suminghap ako at tahimik na nakikinig sa kanila. Kunot noo akong tiningala ni Adam. Agad akong nag iwas ng tingin dahil sa klase ng titig niya. Parang ako pa ang gusto niyang sisihin sa tanong ni Greg.

"Yes. She is. A very good friend of mine. You want to be her friend too?" Napatingin akong muli kay Adam dahil sa sinabi niya. Nagtiim baga ako at lihim na napakuyom ang mga kamao.

"No daddy. I don't like her. She's not nice." Iiling iling na nakabusangot si Greg.

"Bakit mo naman nasabi iyon? She's nice baby. She cooks my favorite foods and she always reminds me to always take care of myself, she's sweet and very lovely." Nakangiti niyang sabi. I saw in his eyes how he adores that girl. At ang sakit! Ang sakit nanaman!

"Why do I have this kind of feeling that you like her daddy? Is she your girlfriend?!" Galit nang tanong ni Greg. Napatakip naman ako ng bibig ng marinig ang tanong ng anak ko. My god! Why is he so smart?! Nanlilisik ang mga mata ni Adam noong nag angat siya ng tingin sa akin.

"No son, she's not. She's just a friend." Muli siyang tumingin kay Greg at nagpaliwanag. Hindi na muling nagtanong pa si Greg. Niyakap na lamang niya ang ama.Niyakap naman niya pabalik ito at muli akong tinitigan ng masama. Maya maya ay muling nagsalita si Greg.

"Don't choose her over my mommy, alright daddy? My mommy loves you so much, she always tells me that, every time she reads me my favorite bedtime stories. And even when she sings me a lullaby. She loves you daddy. Mommy loves you." Napaiwas ako ng tingin at tumingala sa kisame dahil may nagbabadya nanamang tutulong luha sa mga mata ko.

"Little boy, there are things that you can't understand now, but someday, when you grow up, you'll surely understand everything. And I can't wait for that day to come to make you understand them." Sagot ni Adam kay Greg. Nakakailang na katahimikan ang bumalot sa amin bago nagsalita si Greg. Matalino nga talaga ang bata, he knows what to ask and what to answer. At his young age, he knows if something is not right.

"And I can't wait to see you and mommy happy together daddy. I know there are things I cannot understand now, but it does not mean I cannot see those sadness in your eyes every time I look at you in the eyes, I can feel, a part of you is missing daddy, and I am sure, that's mom. I love you both. And I want a happy family. Can you give me that?" Hindi ko na mapigilan ang paglandas ng luha ko kaya napatakbo na ako sa loob ng kwarto. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Greg pero ayokong tumingin sa kanya. Ayokong makita niya ang pag iyak ko. Napasalampak ako sa may sahig sa tabi ng kama at doon umiyak ng umiyak. Kelan ba mauubos ang luha ko? Bakit sa tuwing akala ko ay wala na akong iluluha ay isinasampal pa rin sa akin ng tadhana na madami pa akong luhang iiiyak dulot ng katangahan ko.! Tulala ako at malayo ang iniisip ng maramdaman ko ang pagsara ng pintuan. Hindi ko na ninais na tumingin pa doon dahil alam ko na kung sino ang pumasok. Hindi ko namalayang ilang minuto na din pala ako nakatulala.

"He's playing in his room now." Marahang bigkas ni Adam. Tumango tango lamang ako at nagpasyang tumayo na upang sana ay magpunta sa banyo pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok doon ay nahawakan na ako ni Adam sa braso.

"Adam, kung susumbatan mo ako ulit. Kung pagsasalitaan mo ako ng mga masasamang salita ulit. Kung manunumbat ka ulit, okay lang naman. Pero pwede, pagpahingain mo naman muna ako? Puwede ba 'yun? Puwede bang mamaya na lang? Parang awa mo na, dahil kung ibubuhos mo lahat ng sama ng loob mo ngayon? Ay baka tuluyan na akong maupos at mawasak." Napalunok ako at napailing iling ng may maalala. Pero iyon pala ang gusto mo hindi ba? Ang tanga ko talaga. Pero hihingin ko pa rin. Please. Doon ka muna kay Tamara. Si Tamara na mahal mo. Si Tamara na uuwian mo. Si Tamara na pakakasalan mo. Ano pa? Sino ba siya? Bakit?" Mahinahon kong litanya pero ang luha ay malayang bumabagsak sa aking mukha. Kunot noo siyang nakatitig sa akin habang hawak pa rin ang braso ko. Hindi ko alam kung bakit napunta sa usapan si Tamara, basta ang tanging naiintindihan ko lamang ngayon ay ang sarili kong sakit.

"Pagod ka na ba?" Napamaang ang bibig ko sa tanong niya. Umiling iling siya at mariing pumikit bago ako tuluyang binitawan. Bigla akong sinakluban ng takot pero hindi ko alam kung saan galing iyon. Nang magmulat siya ay pagod na pagod niya akong tinitigan. Bumagsak ang balikat niya bago muling nagsalita. "Kasi ako, pagod na pagod na ako Eunice. Inubos mo ako noong umalis ka." Pumiyok ang boses niya noong sinabi iyon. "Pagod na pagod ako kasi hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay ang gusto ng anak natin. Madali namang gawin iyon sana, pero ang maging masaya kasama ka ang mahirap. You see? Takot din ako. Takot din akong pagbuksan ka ulit ng pintuan. Kung ako ang papipiliin ngayon? Ayoko ko na sanang makita o makausap ka kasi tuwing nakikita kita bumabalik lahat ng sakit. Yung sakit dito." Namula ang ilong at pumungay ang kanyang mga mata habang itinuturo ang kanyang dibdib. Suminghap siya pagkatapos. "Pagod na akong mahalin ka. Pagod na akong maghiganti. Pero hindi ko mapigilan sa tindi ng poot ko sa'yo. Iniwan mo ako Eunice noong panahong inakala ko ay maihaharap na kita sa altar, sa harap ng Diyos. Ni hindi mo nakita kung gaano ako muntikan nasiraan ng bait. Ni hindi mo naisip na masasaktan mo ako. And worst, ni hindi mo ako nakitang mag-isang gumapang habang pinipilit makaahon sa'yo. Every time I looked at myself in the mirror, all I see is you and our memories. At noong panahong akala ko ay wala na akong makakapitan? She came. She fixed every piece of me that was broken. Naranasan niyang masaktan ng dahil sa akin. Naranasan niyang mabasag kagaya ko, pero hindi siya kagaya mo na nang iiwan. Kasi si Tamara, hindi niya ako kailanman binitawan. Sinamahan niya akong masaktan hanggang sa tuluyan na akong makaahon mula sa'yo. Sino si Tamara kamo? Siya ang lahat ko ngayon Eunice. Siya na nagmamahal sa akin at hinding hindi ako iiwan. Siya na nagbibigay sa akin ng pag asang karapat dapat pala talaga akong mahalin ng tamang babae. Ngayong nasagot ko na lahat ng tanong mo, ikaw naman ang tatanungin ko?" Humagulgol na ako ng tuluyan sa narinig ko at tinitigan siya ng tagos sa puso kasama ng sakit na ipinapadama niya ngayon sa akin. "Don't waste your tears on me now, Eunice." Walang puso niyang sabi bago ako tinanong. "Ngayon, tatanungin kita, pagod ka na ba?" Malamig at walang ni katiting na pagmamahal sa akin na tanong niya.

"OO! Tang ina Adam! OO! Ang sakit sakit na! Pagod na din ako! Pero ayaw ko ng bumitaw! Ayoko ng magsisi muli dahil sa mga maling desisyon ko! Dahil sa kabila ng sakit at pagod ko, putang ina! Mahal na mahal ka pa din ng putragis na pusong ito!" Nanginginig ang mga kamay ko ng ituro ko ang dibdib ko. Bigla akong napaluhod at niyakap ang hita niya ng mahigpit. "Patawarin mo ako. Natakot lang akong baka dumating ang araw na gigising ako na sawa ka na sa akin. Takot lang akong baka ayaw mo na sa akin at may iba na. Hindi ko naisip na dahil din lang sa sarili kong takot, ay nagkatotoo lahat ng mga naisip ko noong posibilidad. Totoong ayaw mo na na. Totoong suko ka na sa akin. Totoong wala ng natirang pagmamahal, Totoong may iba na. Pero please, hayaan mo lang akong mahalin ka habang nagmamahal ka ng iba. Hayaan mo akong bumuo ng sarili nating storya sa isipan ko. Kahit yun lang Adam. Kahit iyon lang, hayaan mo ako, please. Pagod ako oo, pero ayokong tuluyan kang mawala sa akin, sa amin ni Greg. I will stoop this low just for you to let me love you. Please." Malakas akong napahagulgol at suminghap. Bumigat pa lalo ang damdamin ko na parang hindi na ako makahinga. Nanatili siyang tahimik habang nakayakap ang mga kamay ko sa hita niya. Humigpit lalo ang pagkakayakap ko ng wala akong marinig na sagot sa kanya. Pero ilang minuto lang ay natanggap ko na ang sagot niya.

"Bitawan mo ako. Bitaw na Eunice. Ayoko na. Pagod na ako. Pagod na." Nawalan ako ng sariling lakas ng marinig iyon. Bakit ganito kasakit ang balik ng karma sa akin? Natakot lang naman ako noon ah. Tao lang naman ako na may madaming kinatatakutan eh. Pero kung makapanakit ang tadhana parang isang bagyo lang na wawasak sa'yo. 


Before there was we (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon