Chapter 36: Snowflake

Depuis le début
                                    

Ano ba naman yan! Tumakbo agad papasok! Aish. Hindi ko tuloy nabigay agad yung paper bag. Hay. Mapuntahan na nga.

Dito lang siguro yung mga bags. Nakakatamad eh hahaha!

Pagka-pasok ko sa loob, kakatok na sana ako sa door niya kaso nakita ko siyang tumatalon-talon sa bed through the small hole hahaha!

Sobrang na-miss niya siguro yung kwarto niya hahaha! Ang OA niya pa rin hanggang ngayon hahaha!

That's what I like about her. Because of her over reactions, she never fails to make me smile.

Cheesy amp. Bwiset. Ano bang nangyayari sakin?

*knock! knock!* Kumatok na din ako pagkatapos ko siyang tawanan. Oo na, ako na masama hahaha!

"Who's there?" Ay engot. Ano namang klaseng tanong yan eh dalawa lang naman kami sa bahay? Amber talaga. Tsk, tsk, tsk.

"It's just me." I answered sabay irap. Okay lang, hindi niya naman ako nakikita eh hahaha!

"Oops, oo nga pala. Come in!" I opened the door and went inside. Nakita ko namang nakatingin siya sa paperbag at naka-kunot yung noo. Napansin niya kaagad. Sigurado ako, Nagtataka na yan.

Her eyes traveled up from the paper bag to my eyes and we stared at each other. Puta, ayan na naman yang titigan na yan. Tapos ang lapad pa ng mga smile namin. Tsk, para kaming mga aso.

"Amber, okay ka lang?" Tanong ko bigla kasi lately parang hindi na siya makapag-isip ng matino.

"Huh? Oo naman nuh! Bakit ba ako hindi magiging okay?" Sagot niya in a jolly tone at may smile.

Okay sa jolly pa rin siya. That's good right? Sana hindi ako ma-basted mamaya.

"Hmmm...wala." Sabi ko nalang sabay abot ng paper bag sakanya.

Kumunot na naman yung noo niya, "Ano 'to?"

"Tignan mo kaya noh?" Ayaw nalang tignan eh. Tsk. Kailangan pang magtanong.

Pero sinunod niya naman yung sinabi ko at tinignan niya kung ano yung nasa loob.

"Para san 'to?" Haist. Kailan kaya siya mawawalan ng mga tanong noh? Tsk. Kinakabahan na nga ako para mamaya eh.

Kaya ngayon nagsu-sungit ako para hindi mahalata na I'm nervous as fuck.

"Basta. May pupuntahan tayo." At nag-smile nalang ulit ako.

Baka mamaya gantihan ako neto at mawala na yung chance ko para maging boyfriend niya. Wag naman.

"San naman tayo pupunta?" Ang dami namang tanong. Excited na ako mamaya eh.

Excited na kinakabahan. Abnormal.

"Basta. Dami pang tanong eh. Sige, bihis na din ako." Sabi ko nalang kasi baka masapak ko pa 'to.

Syempre joke lang yun. I don't hit girls at lalong hindi ko sinasaktan ang mga taong mahal ko.

And I love that girl.

Hahaha! Okay, ako na talaga ang cheesy peste!

Pagpasok ko sa room ko, nakita ko yung shoe box na may matataas na stilettos. Oo nga pala, nakalimutan kong ibigay 'to.

Conflict and LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant