Chapter 37: Hazel's Secret

Start from the beginning
                                    

"Bakit puro black tapos naging pink sa iba?! Baliw ka ba?" Bulyaw niya.

"Eh alam mo namang stressed na ako sa isa ko pang assignment eh, which is para sa booths, tapos papagawin mo pa sakin 'to." Tapos nag-pout ako at nag-puppy dog eyes. Para ma-guilty siya. Bwiset kasi.

"Haist...sorry na kung naging selfish ako. Ako na pipili ng designs, tulog ka nalang." Sabi niya sabay yakap sakin. I hugged him back. Hoy wag kayong ano diyan. Trip namin maging asukal eh, bakit ba?

We let go of each other at natulog na ako. But before I went to sleep on the sofa, I peered through my lashes.

"Aish! Alam ko namang sinadya 'to ni Audrey eh. Haist! Hindi lang talaga ako maka-tanggi. Psh." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"I WANT THIS DESIGN HUNG UP RIGHT NOW! BAGO NA ANG THEME NATIN! WORK! DOUBLE TIME! DOUBLE TIME! CHOP CHOP!"

Hala! Lagot na! Sorry nalang talaga sa mga staffs at volunteers hahahahaha!

~end of flashback~

See? Ang arte talaga. Ang ganda kaya ng black! Psh. Favorite color niya din kaya yun.

"Audrey!" Lumingon naman ako dun sa tumawag sakin at nakita ko yung worried na mukha ni Chantelle.

"Oh bakit?" Matamlay kong tanong.

"S-si Hazel....umiiyak..."

"Yun lang naman—what?!" I looked at her in disbelief pero nag-nod siya. Tumakbo kami agad kay Amber at sinabi sakanya yung observation namin.

•Hazel's POV•

Ayoko na. Suko na ako. Hindi na talaga siya magbabago.

Hay. Akala ng lahat, nagbago na siya pero, ako lang ang nakakaalam na, Hanggang ngayon, isa pa rin siyang Casanova.

Oo, nasasaktan ako. Gusto ko siya, tae baka nga mahal na siya eh. Kaso...wala.

Ayoko nang umasa kaso...'tong bwiset kong hypothalamus, ayaw mag-cooperate.

Ang sakit lang. Hahaha. Umiiyak na naman ako. Pero ang galing ko lang kasi mag-tago ng feelings.

Buti pa si Amber at Chantelle, sila na ng mga taong mahal nila. Si Audrey naman, masaya kay Zach kasi hindi na siya casanova.

Eh si Luke? Ayun, ganun pa rin. At nasasaktan ako pero ayoko lang ipahalata.

Para akong nasa best friend zone. Pinagkakatiwalaan niya ako sa mga sikreto niya. Ang saya nga eh, kasi lagi niyang sinasabi kung nasan siya.

Feeling ko kami na pero...yun pala, para mawarningan ko siya kung pupunta man sila Zach dun.


Alam niyo yung mas masakit? Yun ay may gusto siyang iba at yun yung dahilan kung bakit unti-unti siyang bumabait at ino-ontian na yung mga babaeng pinapa-uto niya.

Every game nga namin, nag-papasikat siya eh. Ang sakit...kumukurot yung puso ko pag nakikita kong nagpapapansin siya sa crush niya.

Imbis na maging masaya ako kasi kasama ko siya sa mga ganung panahon, mas lalo naman akong nasasaktan.

Conflict and LoveWhere stories live. Discover now