Mission Accomplish

14.3K 407 4
                                    

I WANT YOU FOR ALWAYS - DAYS, YEARS, ETERNITIES.

(Franz Schuber)

*****************************************


Aer's POV


Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko at kung ano ang iisipin ko dahil isang buwan na at tila ganun ng ganun pa rin ang ginagawa ni Kaifer. Parati pa rin itong umiiwas na magkausap kami ng matagal. Isang buwan na rin siyang parang hardinero, driver, car wash boy at kung anu- ano pa. At tila ba obligado siyang gawin ang mga iyon. 

Naiinis na nga ako minsan dahil parang mas close na siya kina manang , manong Jimboy at sa tatlo pa naming katulong. Nakakainggit tuloy minsan.

"Oh ano na namang drama yan twin! Para kang namatayan habang nakatingin sa bintana." sita sa akin ni Mer. Nakalapit na rin pala ito sa akin sa terrace.

"Sabi niya mahal niya ako pero bakit di man lang niya ako ipinaglaban kina mama. " sagot ko sabay tanaw muli kay Kumag na kasalukuyang inaayos ang big bike ni Kuya Raniel.

Buti na lang at kahit papaano ay nag-uusap na sina Kumag at kuya Raniel. Magbestfriend nga talaga sila at hindi matiis ang isa't isa.

"Hay naman twin, ang hina mo. Psychology ang natapos mo pero hindi mo ma-gets ang kinikilos ni kuya Kaifer. Hay naku! Maiwan na nga kita diyan. Tigilan mo na yang drama mo at pag- isipan mong maigi ang sitwasyon. Duh!" pangangaral niya sa akin bago tuluyang iwan ako.

Napaisip ako sa sinabi niya. 

Kailangan ko bang basahin ang kilos ni Kumag? tanong ko sa sarili.

Yes. Nariyan pa rin yung mga titig niya sa akin na tila ba ako ay espesyal sa kanya. Bagamat iniiwasan niya ako ay hindi pa rin niya ako kayang alisin sa buhay niya. At kapag naku- corner ko siya lagi niyang sinasabi na mahal naman daw niya ako.

Then why is he doing this? tanong ko ulit sa sarili ko.

Maybe its because he really loves me at hindi ko pa siya sinasagot. Bagamat hindi siya nanliligaw ay kumikilos ito na parang sinusuyo niya ang pamilya ko, ang mga kapatid ko at lalo na ang mga magulang ko.

Tama ba ang iniisip ko? Sana tama. Ginagawa niya ito para maging kami na talaga.

Biglang lumiwanag ang aking paligid at masaya ko na siyang sinulyapan muli.

I love you kumag ko! wika ko sa sarili.


Kaifer's POV


Habang inaayos ko ang bike ni Raniel ay ramdam ko na may nakatingin sa akin. Pagtingala ko ay nakita ko si Aer, ang kutong lupa ko na nakangiti sa akin sa may terrace ng mansiyon nila. Nginitian ko rin siya. 

Parang nawala lahat ng pagod ko ng makita ko siyang ngumiti.

Hindi niya tinangkang kausapin ako sa halip ay nanatili ito sa kanyang pwesto habang tinatanaw ako.

Mabuti na iyon kesa naman iwasan ko siya dahil baka may makakita sa amin.

Ibinalik ko ang tingin sa bike na nasa aking harapan. Tinapos ko na ang pagkukumpuni nito.

"Naku hijo, pinapatawag ka ni Mam. Pakitulungan mo daw yung boy na magkumpuni ng may tagas na tubo sa likod." wika sa akin ni manang sa akin.

Muling sinulyapan ko si Aer bago pumunta sa likod. 

LOVING KAIFER - MY ENEMYWhere stories live. Discover now