Textmate

14.4K 440 10
                                    

Aerriel's POV


Hindi ko magawang matulog matapos ang nangyari kahapon. Napupuno ang utak ko sa kaiisip kung ano ang nangyayari sa akin, kung ano ang nasa isip ni kumag ng makita niya akong naka-bra lamang sa skype at kung totoo ang sinabi niya na namimiss na niya ako. Ayun tuloy nangingitim ang gilid ng mata ko sa puyat.

"Oh bakit ganyan ang itsura mo? Di ka ba nakatulog?" tanong sa akin ni Merriel ng bumaba kami sa hotel upang mag-almusal.

"Masyado ka naman yatang excited para di makatulog!" wika naman ni Charlotte.

"Di naman, may naiisip lang ako." simpleng sagot ko.

"Ano naman ang naiisip mo at napuyat ka? ang laki tuloy ng eyebag mo! Paano ka mapapansin nila harry styles!" sabi naman ni Alaina sabay tawa. 

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. Message alert.

My kutong lupa, im on my way na for a board meeting. Did you eat breakfast na?

Napangiti ako sa nabasa. 

Im having breakfast with them na. Good luck sa meeting niyo :-)

"Wow bago yang cellphone mo ah!" pansin ni Merriel.

"Oo nga at nangingiti siya habang nagtetext." tudyo ni Alaina.

Akmang sisilipin ni Charlotte ang phone ko ng ilayo ko ito.

"Invasion of privacy yang gusto mong gawin!" nakangiti kong saway kay Charlotte.

"Aba't may lihiman na pala tayo ngayon!" nakataas ang kilay na sabi Charlotte

"Yaan mo na Char dahil mukhang ngayon lang siya nagkacrush. Hehehe, malalaman din natin kung sino yang katext niya!" wika naman ni Alaina

"Oo, malalaman din natin yan kaya pagbigyan natin ngayon. Malamang kung sino ang nagbigay ng bago niyang phone ay siya rin ang katext niya!" tudyo naman ni Merriel.

Di ko na pinansin ang panunudyo nila. Tumigil din naman ang mga ito. 

Hanggang sa sumapit ang concert ng one direction ay wala na akong nareceive na text mula kay kumag. Kung kailan naghihintay ako. Wala tuloy ako sa sarili habang nanunood ng concert habang ang mga kasama ko ay todo hiyaw at tili habang nanonood.

Nang biglang nagvibrate ang phone ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Habang binubuksan ang phone ay todo hiling ko na sana siya ang nagtext. 

Kaifer: My KL, meeting is done! how's the concert?

Mabilis pa sa alas otso akong nagreply.

Aer: Concert is okay, not yet done. 1D is good.

Kaifer: As good as me?

Aer: Good as you? Of course kumag. Magaling silang kumanta.

Kaifer: But im more handsome than them!

Aer: Huh? hu says?

Kaifer: Me, myself. hahaha

Aer: Conceited as ever! 

Kaifer: No Im just tellin the truth. Why? You dont find me handsome?

Aer: Hmm. A little

Kaifer: Wohah! thats an improvement. Dati you always answer me as not. Good to know na im a little handsome na for you. Thanks my KL.

LOVING KAIFER - MY ENEMYWhere stories live. Discover now