Deal

13.9K 399 15
                                    

BEFORE YOU CAN SEE THE LIGHT,

YOU HAVE TO DEAL WITH THE DARKNESS.


**************************************

Aer's POV


Lumabas sila mama mula sa library matapos ang isang oras. Nagtaka ako ng saglit lamang akong tinitigan ni Kumag saka nagpaalam. Umalis ito agad na sinundan agad ni Tito Mike at Tita Chloe.

Napapailing sina Charles at Charlotte na sumunod sa kanilang magulang.

"Mauna na rin kami. Sa susunod na lang ulit. Halina kayo Alaina at Albie, halika ka na rin Shaun. " paalam naman ni Tita Sophia katabi ang asawa. Sumunod na rin ang PA at secretary ni Shaun. Hanggang sa kami na lang mga Tan ang natira.

"Kung tapos ka ng kumain Aer mabuti pa ay magpahinga ka na sa kwarto mo. Simula ngayon dito ka na ulit titira." wika ni mama na hindi man lang ako tiningnan.

Galit ba siya?

"Ma, Pa ano po ang napag usapan niyo?" tanong ko sa kanila

"Sa susunod na lang natin pag usapan. Magpahinga na kayo. Mag uusap muna kami ng mama niyo." seryosong sabi ni papa.

"Ikaw Merriel, umakyat ka na sa kwarto mo. Ikaw Raniel lumipat na kayo sa kabilang bahay niyo. Ihatid mo na itong mga apo ko at mukhang inaantok na itong si Yumi. Ikaw Daniel, dito ka ba matutulog?" isa isang tanong ni mama kina kuya.

"Uuwi na lang po ako." sagot ni kuya Daniel sabay tayo.

"Mauna na kami pa, ma."paalam naman nila kuya Raniel.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.

"Goodnight ma, pa!" paalam naman ni Merriel kina mama.

Nahuli akong umakyat patungo sa kwarto ko.

Nakahiga na ako ng maalalang itext si Kumag.

MYOKL: Anong nangyari sa usapan niyo kanina?

MYKUM: Dont worry my kutong lupa, everything will be okay soon. Goodnight and sweetdreams.

MYOKL: What do you mean?

MYOKL: I hope everything will be ok too

MYOKL: hey

MYOKL: Totoo ba lahat nung sinabi mo sa akin sa airport?

MYOKL: Tulog ka na ba?

MYOKL: Bakit di ka man lang nagrereply

MYOKL: Kumag!

Nakatulog na siguro si Kumag kaya hindi na sumsagot sa mga text ko.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Hoy twin gumising ka na nga diyan! Wala ka ban balak bumangon diyan! Tanghali na no!" wika ni Merriel na nasa may paanan ko.

"Wala ka bang balak na makita si kuya Kaifer ngayon?" muli ay sita niya sa akin

Napatingin ako sa kanya. "As if naman papayagan ako nila mama na makita siya." sagot ko. Bumangon na ako sa kama ng makita ang oras . Its already 10 oclock in the morning.

"You'll see." nakangiting sagot ni Mer sa akin.

"Hmm..." Tumayo na ako at nagtungo sa banyo.

"Kung makaasta ka para kang walang pasok sa trabaho ah, Absent ka na kaya ng isang lingo. Inaabuso mo na si Shaun ah!" huling sita nito sa akin bago lumabas ng kwarto ko.

Bigla akong natigilan at naalala ang trabaho ko sa hotel ni Shaun. Hay oo nga nakalimutan ko! Nakakahiya tuloy kay Shaun.

Minabuti ko ng maligo.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Mer at ang bf nito na nakasilip sa labas sa may pool.

Bakit kaya?

Si manang naman ay nakahinto din sa may gilid katabi ang ibang katulong na nakatingin din doon. Mukhang hindi nila alintana ang presensiya ko.

"Anong tinitignan niyo diyan?" tanong ko sa kanila.

Nabigla sila pagkarinig sa akin.

"Tignan mo kaya! Siguradong mabubuhayan ka ng loob!" Nakakalokong wika ni Mer

Sinilip ko nga iyong tinitignan nila. Nanlaki ang mata ko ng makita si Kaifer na hubad baro na naglilinis ng pool.

"Tanghali ka na kasi nagising kaya di mo nakita ab na nag car wash na rin si kuya. " wika ni Mer.

Nagmadali akong puntahan si Kumag. Wari ay hindi ito nagulat ng makita ako at ipinagpatuloy lang ang ginagawa .

"Hoy magdamit ka nga! Proud ka pang ipakita yang abs mo sa lahat ha! Teka nga anong ginagawa mo ha? Anong ibig sabihin nito ha? At bakit di mo sinagot ang mga text ko kagabi ha? Hoy kumag !" sunod sunod na sabi ko agad sa kanya.

Nakangisi lamang itong tumitig sa akin. "Oo lang lahat ang sagot ko sa lahat ng tanong mo. Okay magti t shirt na ako. Dahil mukhang ayaw mong may ibang makakita sa abs ko. Dont worry sayo lang to!" aniya

"Dapat lang. Bakit mo ginagawa ya?" tanong ko sa ginagawa niya.

"Basta! Doon ka na baka mapurnada po itong ginagawa ko. Dont worry mahal naman kita eh!" nakangiti niyang sagot sa akin.

Napatigil ako sa sinabi niya. "Totoo bang mahal mo talaga ako ?" paninigurado ko.

"Oo nga!" nakangiti niyang sagot. Pansin ko na pinapawisan na ito. Halatang kanina pa nagtatrabaho. Bakit niya ba ito ginagawa?

"Tapos ka na ba diyan Kaifer?" tanong ni mama na palapit na. Tinitigan din ako ni mama.

"Malapit na po tita. Ito po kasing si Kutong lupa iniisturbo ako." sagot ni Kumag kay mama saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Okay, pagkatapos niyan ay tulungan mo si manong na I-trim yung halaman sa harap." utos ni mama sa kanya.

"Opo tita." magalang na sagot ni kumag, hindi man lang nagreklamo.

Tumingin naman si mama sa akin. "Ikaw, wala ka bang trabaho ngayon?"

"Di muna ako papasok mama. Bakit niyo po siya pinagtatrabaho?"

Hindi man lang pinansin ni mama ang tanong ko at umalis na. Si Kumag naman ay umalis na sa tabi ko at lumipat ng pwesto.

Sinundan ko siya ngunit nang nasa tabi na niya ako ay bigla itong umiwas. "Wala ka bang ibang gagawin? Mukhang kagigising mo lang ah, mag almusal ka  kaya muna." aniya.

"Mamaya na lang ako kakain. Teka nga iniiwasan mo ba ako ha?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot sa halip ay lumipat ng pwesto.

Whats happening here? Mahal niya ako pero halos ayaw niya akong kausapin. Nakakainis naman.



********************************************

Sorry for the late update guys!




LOVING KAIFER - MY ENEMYWhere stories live. Discover now