Grocery

17.4K 473 3
                                    

Aerriel's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Bumaba ako at nagtungo sa kusina ng maalalang wala nga pala ako sa sariling bahay. Wala ng maghahanda ng aking makakain. Wala sila mama. At mas lalong wala si Yaya Sonia.

Binuksan ko agad ang ref at inalam kung ano ang maaaring lutuin. Kung hindi eggs, banana at fresh milk bukod sa canned beer ay wala ng ibang laman ang ref ng kumag. Sinilip ko ang mga kabinet. Buti na lang at may ibang mga de lata at may bigas.

Tama , I will cooked tuna omelet.

Mabilis ang naging pagkilos ko dahil gutom na ako. Matapos kong magsaing at sinimulan ko ng lutuin ang omelet.

Tapos na akong magluto ng dumating si Kaifer. Mukhang kagagaling lang nitong magjogging kasi pawisan pa ito.

"Wow tamang tama ang dating ko ah. Ayos to ah." agad na wika nito. Hindi na hinintay na magsalita ako at sumandok na saka nagsimulang kumain.

"Wala bang kape man lang kutong lupa!" sabi pa nito sa akin.

Naningkit ang mata kong tumingin sa kanya. "Wala kang stock."

"Ay oo nga pala." tumayo ito at kumuha ng baso at pitsel ng tubig.

Nagsalin ako ng fresh milk at sinabayan na siyang kumain kahit di pa ako inaaya. Gutom na kaya ako.

"Tumawag si Raniel kanina." wika niya. Nagsasalita habang kumakain.

Dismayadong tumingin ako sa kanya. "Bakit daw? Wag mong sabihin na isinumbong mo na nandito ako?"

Tumawa ito. "Hindi pa. Pinag-iisipan ko pa pero baka hindi na kung palagi akong may ganitong almusal."

Sabi na nga ba eh. "Blackmail. Katahimikan mo kapalit ng pagiging kusinera ko."

Tumawa ulit ito. "Obvious ba?"

"Oo kaya!"

"Nagpapatulong ang kuya mo. Isusurprise daw niya si Yumi. House blessing ng bahay nila. Magiging neighbors na natin sila sa makalawa."

"Ha? Ang bilis namang nagawa ng bahay nila?" tanong ko. Mapaparami na naman ang pagtataguan ko sa subdivision na ito.

"Kasalanan yan ng construction company nila tito Mike. Sisihin mo sila!" sagot niya sa akin.

Kung makapagsalita ito parang hindi siya isa sa may ari ng kompanya.

"Ang sama mo talaga kumag!"

Tumawa lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

Liligpitin ko na sana ang kinainan namin ng inagaw nito ang mga iyon sa akin. "Ako na ang magliligpit. Mabuti pa ay ilista mo na ang mga dapat igrocery natin. Wala akong alam sa mga ganyan. Nasa dulong cabinet ang pen at notes."

Napangiti ako sa narinig at ginawa ang paglilista.

Matapos magligpit ay nagpaalam ito na maliligo na.

Pagbaba niya ay umalis na kami. Sa maliit na grocery kami nagpunta. Wala namang makakakita sa amin ngayon dahil hindi dito nagsisipamili ang mga nakakakilala sa amin. Nakakatulong din pala ang katipiran ng kumag na ito.

Sa meat section kami nagsimula.

Hinahayaan niya akong mamili ng karneng bibilhin. Busy ito sa pagkukulikot ng cellphone. Nakasunod lamang siya sa akin habang tulak ang cart. Nakapamili na ako ng kape, gulay, prutas at iba pang pagkain.

"Yan pala ang gamit mo? " tanong niya sa akin. Hawak ko kasi ang brand kong napkin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo ito ang gamit ko. Ano naman ngayon ha?" masungit kong sagot.

LOVING KAIFER - MY ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon