All for a Mission

13.9K 400 4
                                    

THE GEM CANNOT BE POLISHED WITHOUT FRICTION,

NOR MAN PERFECTED WITHOUT TRIALS.

(Chinese Proverb)

*************************************

Kaifer's POV


Kasalukuyan akong naglilinis ng salamin ng naiwang kotse ng mga Tan ng maramdaman kong may papalapit sa akin. Sinilip ko mula sa malapit na side mirror ng sasakyan kong sino ang taong iyon. At gaya ng inaasahan ko ay nakita ko ang nakasimangot na si Aer na naglalakad palapit sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng aking puso.

Hush! I need to do something. Hindi pwedeng ma- corner niya ako. I had a mission that i want to accomplish. But how can i ignore the woman i love? tanong ko  sa sarili.

"Kumag! Tumingin ka sa akin." bigla ay sita niya sa akin.

Saglit ko lamang siyang tinitigan at muling nagpunas ng bintana ng sasakyan.

"Bakit mo ba ako iniiwasan ha?" naiinis na tanong niya sa akin.

Alam kong nagtitimpi lamang ito.

Its been six days simula ng dumating kami and its been six days na mission ko na labag sa aking kalooban. But i wouldn't dare to loss it. 

"Bakit naman kita iiwasan?" balik tanong ko sa kanya.

Bigla ay hinampas niya ako.

"You keep on ignoring me for days kumag! And i dont like it! You said you love me but why are you avoiding me. Ako lang ang di mo kinakausap. Bakit mo ba ginagawa ang mga iyan?" naniningkit ang mga mata niyang tanong sa akin. 

Ayaw ko sanang mag-isip siya ng di maganda pero di ko naman masasabi ang dahilan sa kanya.

Nakita ko si Tita Claire na palabas ng front door.

"Kinakausap nga kita ngayon eh. At saka ano naman ang mali sa ginagawa ko, okay naman maglinis ng sasakyan ah!" sagot ko na lamang sa kanya. Nasa malapit na kasi si Tita.

"Ang ibig kong sabihin bakit mo ginagawa ito? Kumag naman eh!" pilit niya.

Tumikhim si Tita na nakapagpagulat kay Aer. Napaharap ito sa gawi ng mama niya.

"Ma!" aniya.

"Bakit hindi ka pa pumapasok sa opisina?" tanong ni Tita kay Aer. "At ikaw naman, tulungan mong maggrocery si manang pagkatapos ay balikan mo kami dito sa bahay ni Baby Cassie." utos naman niya sa akin.

Agad akong tumango bilang pagsang- ayon. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Aer sa mama niya at umalis na ako.

Heto na naman! Again like the other days, Good luck to me! wika ko sa sarili.

Sinunod ko ang inutos ni Tita claire. Tinulungan ko maggrocery si manang at ako pa mismo ang nagbubuhat ng mga pinamili, like a real gentleman. 

Ewan ko ba, sinasadya na yata nila tita na maggrocery araw araw. Kung bakit kasi hindi na lang nila minsanan ipagawa sa akin ang paggogrocery.

After that , pagdating ko sa mansion nila ay nautusan na naman ako na linisin ang bubong nila. Tanggalin ang mga natuyong dahon . At iyon ay sa kalagitnaan ng araw. 

Kakaupo ko pa lamang para makapagpahinga ay bigla na namang nagpakita si Tita sa akin. Malamang may iuutos na naman ito.

"Kumain ka na. Mayang alas dose ipagdrive mo kami ni baby Cassie patungo sa cafe ni Aria." wika nito sabay talikod.

LOVING KAIFER - MY ENEMYWhere stories live. Discover now