Working Girl

15K 426 15
                                    

Guys, sorry for the late update. . .

I've been so busy these past few weeks. . .

Hope you'll like this new chapter of this. God bless everyone! :-)




Aerriel's POV


I can't help myself not to think about Kaifer. Even at my work, even at night. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit laging siya ang laman ng isip ko. Laging gusto ko siyang makita.

Tulad ngayon na may mga batch ng i-interbyuhing aplikante dito sa hotel. Pero sumasaglit sa isip ko si Kaifer na sana magpunta ito sa hotel ngayon. Nami-miss ko siya kahit nagkita naman kami kaninang agahan.

I know naman na hindi siya makakapunta ngayon dahil busy siya sa bagong tayong branch ng bar niya sa may Pasig. Pero para akong timang na umaasang makita siya.

"Miss Aer, mukhang distracted ka ngayon ah!" puna sa akin ni Miss Lara na kasama kong nag-iinterview.

Napabuntong hininga ako. Ano ba naman yan, napapansin na rin pala ng mga katrabaho ko ang pagiging distracted ko!

"Medyo inaantok lang ako ." tipid na sagot ko.

" Inaantok ha! Malalim ang iniisip mo. Sino ba yang iniisip mo at baka kanina pa yan nadadapa. " biro sa akin ni Miss Lara.

Bigla akong namula sa biro nito. As if naman madadapa si kumag dahil sa kakaisip ko sa kanya.

" Hindi naman. Ikaw talaga. Wala lang to. Kape lang ang katapat nito." tanggi ko sa kanya.

"Talaga lang ha!" pahabol na tudyo niya.

Ipinagpatuloy namin ang pagtatanong sa mga aplikante. Hindi ko lubos maisip na ganito karami ang nag-aapply araw araw. Ganito ba karami ang walang trabaho sa Pilipinas? Mahigit na tatlumpo kasi ang initerview namin ngayong umaga na mga nagbabakasakaling matanggap bilang waiter o di kaya ay chambermaid ng hotel ng mga Williamson.

Pagdating ng lunch ay sumabay na ako sa mga kasamahan kong taga- HR. May apat na HR assistant sa department namin na kapwa mga babae at kasundo ko naman. Sila ang incharge sa initial interview at kami naman ni Miss Lara sa final interview. Sa loob ng dalawang lingo ko sa trabaho ay na-i enjoy ko naman. At least ngayon di ko na inaasa lahat kay kumag ang mga gastusin kong pansarili. Nakatanggap na kasi ako ng suweldo. Napakagalante talaga ni Shaun magpasuweldo. Iyon din ang wika ng mga kasamahan ko sa trabaho.

Pagbalik ko ng office ay nagkaayaan sina Ms. Liza at ang apat na HR assistants.

"Dahil birthday mo naman Sheila eh dapat magpakain ka naman!" biro ni Sam dito.

"Actually aayain ko nga kayong magbar eh, sagot ko. Sama kayo Mam Liza at Mam Aer ha!" game na game na sagot ni Sheila.

Napa-Yehey sina Gemma , Sam at Rose. Tuwang tuwa sa narinig.

"Oo ba. Game ako diyan! Sinabi mo sana agad na birthday mo!" sagot ni Ms. Liza kay Sheila.

"Thank you mam! Ngayon lang po kasi ako nakapagdecide na magcelebrate. Ikaw mam Aer?" tanong ni Sheila sa akin.

Bahagya lang akong ngumiti dito. Sasama ba ako? tanong ko sa sarili.

Napatingin na sa akin lahat.

Hay! " Sige, sasama din ako." sagot ko.

"Good. Kumpleto tayong magbabar hopping mamaya!" sabi ni Ms. Liza.

LOVING KAIFER - MY ENEMYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant