Hiding (Feelings for each Other)

13.9K 394 9
                                    

THE MORE YOU HIDE YOUR FEELINGS FOR SOMEONE

THE MORE YOU FALL FOR THEM.


*******************************************

Kaifer's POV


Magdamag akong hindi nakatulog. Habang nakatingin sa mahimbing na natutulog (si Aer) ay pinag-isipan ko ay sitwasyon namin, ang nararamdaman ko sa kanya at ang maaaring maging epekto nito sa relasyon namin ng kaibigan ko.

What should i do?

Dapat ko na bang ipaalam kina Raniel na nasa akin si Aer?

Dapat kausapin ko muna ang kutong lupa ko kung magiging okay lang sa kanya ang anumang mapagpapasyahan kong gawin. Hindi naman namin pwedeng itago ito ng matagal. Tsaka wala namang lihim na hindi nabubunyag.

"Hmm,. kumag ang aga mo namang nagising?" tanong ni Aer na kamumulat pa lang ng mata.

Naisip ko siyang asarin gaya ng dati. Nagtakip ako ng ilong. "Ano ba yan kutong lupa, sumisingaw ang baho ng hininga mo. Tssk, di ka pa nagsisipilyo nagsasalita ka na!" biro ko sa kanya.

Pagkarinig ng sinabi ko ay bigla niya akong hinampas ng unan. "Kapal! Hindi mabaho ang hininga ko ha! Bakit ikaw nagsipilyo na ba ha?"

"Kahit di ako magsipilyo agad, nadadala naman ng kagwapuhan ko oh!" biro ko ulit.

Nakatayo na ito at patungo sa cr ng magsalita ako. "Yuck ka kumag! Ewww...Feeling!" aniya.

Napangiti ako sa kilos nito.

Saka ko naisip. Masarap pala ang feeling na gumising na ang una mong masisilayan ay ang taong mahal mo. Sana lagi ko na lamang siyang makatabi sa pagtulog. Pero sa ngayon itatago ko muna ang nararamdaman ko sa kanya pero ipapadama ko. Ika nga action is sometimes better than words! wika ko sa sarili.

Sinabayan ko siya sa pagsisipilyo.

Pero panay ang sulyap ko sa kanya.

Nang maghilamos siya ay sinabayan ko din siya.

Tinaasan niya ako ng kilay ng matapos siya. "Sunod ka ng sunod. Wag mong sabihin na hanggang sa pagligo ko ay sasabay ka?" biro na tanong niya sa akin.

"Pwede bang sumabay?" ganting biro ko.

"Tse! As if papayag ako." natatawa niyang sagot niya saka kinuha ang nakasabit na tuwalya at nagtungo sa shower room.

"Kung papayag ka lang naman!" malakas na hirit ko sa kanya para marinig niya.

"Tumigil ka sa kalokohan mo kumag!" pasigaw din na sagot niya.

Humalakhak lang ako ng malakas bilang tugon sa kanya.

Minabuti ko na lamang na lumabas ng banyo at mag ayos ng hinigaan namin.

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin ito.

"Your turn." aniya ng makalabas ng banyo. Bihis na ito. A simple faded jeans na pinarisan ng pink na fitted long sleeves na may hello kitty design. Her usual self.

"Samahan mo akong maligo." biro ko sa kanya.

"Kumag! Ang pervert mo talaga. Bilisan mo na. Nagpromise ka sa akin na igagala mo ako. Di ko pa nalilibot itong California no!" aniya.

"Yes boss!" tanging sagot ko bago pumasok ng banyo para maligo.

"Good." narinig ko pang sagot niya.


Aer's POV


After naming magbreakfast ni Kumag sa isang cafe ay inilibot niya ako sa Los Angeles City. Ipinakita rin niya sa akin kung saan siya nag-aral dito nung panahon na dito pa siya nakatira.

LOVING KAIFER - MY ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon