MYKUM Support

14.6K 413 15
                                    

Aerriel's POV


Isang lingo buhat ng manganak si Yumi at ngayon ay napagdesisyunan ko nang humanap ng trabaho. I really want to work in a human resources department ng isang malaking kumpanya. 

Nabanggit na rin kasi ni Alaina na mag-istart na siya sa law firm nila sa accounting department . Si Charlotte naman ay kinausap na ng papa niya na magsimula ng pag-aralan ang pagpapatakbo ng Real estate company nila. Gayun din si Merriel na nagsimula na bilang isang nurse sa ospital namin. 

Tanging ako na lang ang napag-iiwanan. Kailangan ko na ring maghanap ng mapagkakakitaan lalo na at wala pa talaga akong sariling ipon. Nakakahiya naman kay kumag. Masyado ng malaki ang naitulong at nagastos niya sa akin.

Sa ilang araw kong pag-alis sa bahay upang maghanap ng trabaho ay wala pa akong natatanggap na sagot. Humihina tuloy ang kumpiyansa ko.

"Oh bakit malungkot ka diyan?" tanong sa akin ni Kaifer. Di ko namalayan na nakalapit na pala ito sa tabi ko. Nasa tabi kasi ako ng pool, nag-iisip.

"Hmmm. Wala pa kasi akong narereceive na tawag mula sa mga inaplayan ko." sagot ko. Di ko na siya sinilip. 

Umupo si Kaifer sa tabi ko at nagwika. "Tumawag si Shaun, pasyalan mo daw siya bukas ng umaga."

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. "Bakit naman daw?"

"Nagleave daw kasi yung assistant HR manager niya sa may Global Bonifacio, kailangan daw ng kapalit baka daw gusto mo!" nakangiting wika ni Kaifer sa akin.

Nagningning ang mata ko sa narinig. "Talaga? Pwera biro?" pagkaklaro ko sa kanya. Baka kasi pinagtitripan niya lang ako.

"Totoo. Kung gusto mo tawagan mo pa si Shaun eh. " sagot niya sa akin.

Agad kong tinawagan si Shaun.

Makalipas ang dalawang ring ay sumagot na ito.

Aer: Hello Shaun! Nakakaisturbo ba ako?

Shaun: Hello. No, im already done eating my supper.

Aer: Tanong ko lang yung tungkol sa bakanteng posisyon sa hotel niyo?

Shaun: Actually presence mo na lang ang kailangan bukas. Will see you tomorrow morning there. Kaifer already give me your credentials.

Aer: Ha? 

Napatingin ako sa mukha ni kumag na nakatingin din pala sa akin. Nakangiti. Pinangunahan na naman ako nitong taong to!

Shaun: Sana magustuhan mong magtrabaho sa hotel

Aer: Thank you Shaun. Sigurado namang magugustuhan kong magtrabaho sa hotel niyo. Magandang experience yun sa akin.

Shaun: Thats  good! See you tomorrow Aer!

Aer: Okay. Bye

Shaun: Bye!

Lumingon ako kay Kaifer na ngayon ay nakatayo na. 

Bago pa ako magsalita ay inunahan na niya ako. "Maaga ka ng matulog dahil may lakad ka pa bukas ng maaga."

Tumayo na rin ako at sinundan siya. "Kumag, ang pakialemero mo talaga. Pero..........thank you na rin! Sa wakas magkakatrabaho na ako!"

Ngumiti ito. "Anything for you my KL. Bukas ako ang maghahatid sayo doon!"

"Wag na. Nakakahiya na sayo!" tanggi ko sana.

"Huh! Nakalimutan mo yatang coding yung gamit mong car bukas." wika niya saka ako tuluyang iniwan.

Tangek! Di ka talaga nag-iisip Aer! Pinaalaala pa tuloy sayo na coding yung sasakyan! anas ko sa sarili.

Monday morning.

"Dress?" nagtatakang tanong ni Kaifer sa akin pagkababa ko ng hagdan.

Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. 

"Why? Whats wrong with my outfit? Di ba bagay?" balik tanong ko sa kanya. Bahagya pa akong lumapit buhat ang bag ko.

Umiling iling muna ito bago sumagot. "Actually bagay talaga sayo kaya lang , you are supposedly working there hindi makikipagdate. Mukhang kailangan kong magtagal doon ah para mabantayan ka niyan! Siguradong susundan ka ng tingin ng mga lalake doon. " 

"Hay tigilan na yang drama, kumag. Halika na at baka malate ako." wika ko sabay hila sa kanya. Mabuti at sumunod naman ito. Siya na rin ang nagdrive papuntang Bonifacio.

Kabado at nanginginig ang kamay ko habang paakyat kami ng elevator patungo sa office ni Shaun. 

Hinawakan ni Kaifer ang kamay ko at bahagyang pinisil. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon. Tila ba nakalimutan ko na siya ay minsan ko ng naging kaaway . 

"You can do it my only kutong lupa! Ikaw pa! " pagpapalakas niya ng loob ko. 

Nginitian ko siya at tila nagulat din ako sa sumunod na ginawa ko. Parehong nanlaki ang mga mata namin. Mabuti na lamang at dalawa lang kami sa loob ng elevator. 

My God! I kissed him at his cheeks.

"MYOKL you kissed me!" naibulalas ni Kaifer, halatang di pa rin makapaniwala.

Shucks! Anong gagawin ko? anong sasabihin ko? Nakakahiya!

Napayuko akong sumagot sa kanya. Di na ako makatingin sa kanya ng deretso. "Its just a way of thanking. Kung makareact ka diyan akala mo naman - "

Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla din niya akong hinalikan sa pisngi. 

"Your welcome kutong lupa!" masaya nitong sabi. 

I was about to reply but the elevator door suddenly open. Nauna ng naglakad si Kaifer at may kumausap sa kanya na isang kakilala. Ako naman ay tumuloy na sa opisina ni Shaun. 

The usual ay naroon si Jannah at Yuhan.

Agad akong binati ng dalawa. 

"Sa wakas dumating ka na Aer!" Salubong agad sa akin ni Shaun. "Kasama mo si Kaif?"

Tumango ako. Naupo ako sa sofa katabi niya. Of all our friends, si Shaun ang pinakamabait kahit na ito din ang pinakaweird. Mas madalas itong nakaupo sa sofa kesa sa swivel chair ng opisina niya.

Mayamaya ay may pumasok na isang babae, around her forties.

Pinaupo ito ni Shaun sa tapat namin.

"Anyway Aer, this is Miss Lara Santos, our HR manager . You will be working under her authority from now on. She will assist you and teach about the basics. And Lara this is Miss Aerriel Tan, the  new HR assistant manager of this hotel." pakilala ni Shaun sa aming dalawa. Agad kaming nagbatian ni Lara.

"Nice to finally work with you Miss Aerriel." bati ni Lara. Mukhang genuine ang gesture nito kaya binigyan ko ito ng sincere na ngiti. 

"Me too Miss Lara." sagot ko naman.

After that kami na lang ni Lara ang naglibot sa buong hotel para mafamiliarize ako sa buong lugar. 
Dinala rin niya ako sa magiging opisina ko. Hindi man ito kasing laki ng opisina ng mga kakilala ko pero nakakaramdam ako ng proud para sa sarili ko. Its my first time to work for myself. And i feel happy. 

"Kutong lupa. Here is your lunch. Will see you later na lang. Need to attend a meeting . Just text me later kung what time ka uuwi para masundo kita." di ko namalayan ang pagpasok ni Kaifer sa aking opisina. Kasalukuyan kasi akong nag-iisip kung papaano ko aayusin ang silid. 

Ipinatong nito ang binili nitong pagkain para sa akin. 

"Thank you kumag." sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang ito. "Thats okay. Sige alis na ako. " paalam nito.

"Sige. Ingat ka!" pahabol ko na sabi bago ito tuluyang nakalabas.

Ang supportive talaga ni kumag. Nakakakilig! Ang swerteng nung babaeng nagugustuhan niya kung sakali.

LOVING KAIFER - MY ENEMYWhere stories live. Discover now