Missing someone

14.5K 440 15
                                    

Aerriel's POV

"Okay na ba lahat ng dadalhin mo? Ang jacket mo wag mong kalimutan. At saka ito, para sa iyo." wika ni Kaifer sa akin habang nag-aayos ako ng maleta. May inabot itong card sa akin.

"Credit card?" tanong ko sa kanya.

Credit card na naka-name sa akin. 

"Yup. Ginawa kitang supplement. Baka kasi may gusto kang bilhin doon. At saka baka maisipan mo akong bilhan ng pasalubong. " sagot niya pero ang tingin ay nasa gamit ko sa maleta. Parang tsinetsek ang mga dadalhin ko.

"Para sa akin talaga ito?" paninigurado ko.

"Oo nga sabi!" 

"Alam mo ba na kaya kong makaubos ng mahigit 100,000 sa pagsashopping?" tanong ko ulit. Baka magbago kasi ang isip nito na gastusan ako.

"Oo. Pareho kayong magkakaibigan. Mas malala pa nga si bunso eh. At wag kang mag-alala hanggang 1 million ang limit niyan. Di magbabago ang isip ko na ibigay yan sayo." walang panghihinayang na sagot nito sa akin.

"Bakit ang bait mo sa akin ngayon?"masayang tanong ko sa kanya. Bahagya ko pang pinisil ang pisngi niya kaya napaharap ito sa akin. 

Pinisil naman niya ang ilong ko. "Dati na akong mabait no!"

"Hindi ah! Ang yabang, kuripot at mapang-asar ka kaya noon!" sabi ko sa kanya.

"Ganon nga yata ako. Pero may nakalimutan ka!" wika nito sabay ngisi.

"Ano naman ang nakalimutan ko aber?" takang tanong ko.

"You forgot to say that im handsome." nakangising sagot nito.

"Grabe. Magbuhat ba naman ng sariling bangko!" sabi ko naman

"Di ah.Totoo kaya ang sinabi ko!" 

Natigil din sa pangungulit si Kaifer ng tawagan ako ni Alaina. Papunta na daw sila sa airport kung saan ang private plane ng mga Williamson. On the way na rin daw si Charlotte.

Mayamaya ay nakatanggap din ng tawag si Kaifer from Daniel.

"Dude pwede bang ikaw muna ang maghatid kay Merriel at Aerriel sa airport. May operation pa kasi ako and si Raniel naman may biglaang meeting. Nasa China sila papa." abiso ni Daniel dito. Lumapit ako kay Kaifer para marinig ang usapan nila.

"Sure. What time ba sila ihahatid? Saan ko sila susunduin?" pagpayag ni Kaifer.

"Ngayon na sana. Teka si Merriel nasa bahay na naghihintay. Tatawagan ko pa lang si Aerriel kung saan siya magpapasundo." wika ni Daniel

"Nope. Ako na ang magtatanong kay kutong lupa. Sige na at mag-aayos na ako." Pinatayan na ni Kaifer si Daniel pagkatapos sumagot.

Humarap siya sa akin at walang anu-anong sinara ang maleta ko at binuhat pababa. Ipinasok nito ang maleta ko sa likod ng fortuner niya saka humarap sa akin. 

"Magpapalit lang ako sandali. Hintayin mo ako." hindi na niya ako hinintay na makasagot at umalis na ito.

Pagbalik nito ay sumakay na ito sa drivers seat ng makitang nakaupo na ako sa harap. 

Parang nanuyo ang lalamunan ko ng mapatingin sa dibdib nito. Halata kasi sa suot nitong tee-shirt ang ganda ng kanyang katawan.

"Stop staring kutong lupa." nakangiti nitong saway sa akin. 

Napahiyang nagbaba ako ng tingin. 

"Hindi ah-"pinutol nito ang anumang sasabihin ko sa pamamagitan ng yakap. Wala sa sariling yumakap din ako sa kanya.

LOVING KAIFER - MY ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon