Untold Confession

12.9K 341 5
                                    

BETWEEN LOVERS

A LITTLE CONFESSION IS A DANGEROUS THING.


********************************************


Kaifer's POV


"Hey, kutong lupa! Umahon ka na diyan. Its freezing cold!" tawag ko kay Aer na kasalukuyang lumalangoy sa pool. Sa lamig ng panahon siguradong sisipunin ito. Ngunit nginitian lamang niya ako at nagpatuloy sa paglangoy. Isang playful na Aer na naman ang nakikita ko na tila ba walang iniisip na problema. Pinanood ko na lamang siya sa paglangoy.

Is it a good day to confess my feeling for her? tanong ko sa sarili ko.

If she will look at my side at this moment, maybe its the right time. Tomorrow we will come home .

Nabigla ako ng bigla niya akong tawagin. Nakatingin siya sa akin.

Is this a right sign? tanong ko ulit sa sarili.

"Kumag paabot naman ng towel!" tawag niya.

Para akong napako sa kinatatayuan.

"Kumag!!!" malakas na sigaw niya. Paahon na ito sa pool.

Mabilis ko siyang nilapitan upang iabot ang towel.

"Akala ko wala ka ng balak iabot ito sa akin. God! Its cold." nanginginig na sabi niya.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya ng malapitan muli lalo na ang kanyang mga labi na nanginginig. How i wish na mabigyan ako ng pagkakataon na madampian ito.

My pervert mind!

"Aer, can we talk?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Uh yes. Nag-uusap na nga tayo kumag." aniya. "About what?"

"Uhmm. . .about-" naputol ang aking pagsasalita ng tawagin kami ni lolo.

"Come, the two of you. Lets have brunch." wika ni lolo na nasa may lanai.

"Tara kumag, tamang tama nagugutom na ako!" mabilis na aya nito sa akin. Napilitan akong sumunod dito at ipagpaliban ang naudlot na pagtatapat.

Habang kumakain ay panay ang kwento ni lolo kay Aer, about sa buhay niya. Sa lovelife nila ng yumao kong lola. Kung paano sila nagkakilala. Buo ang atensiyon ni Aer kay lolo. Talagang nakikinig ito.

Hindi na ako nagtaka ng isingit ako ni lolo sa kwento niya.

"He is still young . I think Kaifer is about 9 when he court our young neighbor. Hahaha. And you know what he said to this young girl?" tanong ni lolo kay Aer.

Umiling si Aer kay lolo.

"Granny!" babala ko kay lolo. Pihadong mga nakakahiyang kwento ang sasabihin nito.

"Kaifer said, hey you ! I want you to be my girl! he said to that sixteen year old girl. And the girl answer him with this, kiddo, do that when you got older. Hahaha. Thats his first busted. But later on he became womanizer." kwento ni lolo.

Lalong naningkit ang mga mata ni Aer na humarap sa akin pero sumagot kay lolo. "He's really a womanizer granny."

Tumawa si lolo.

"Hey im not a womanizer, a happy go lucky maybe. "tanggi ko sa sinabi nila.

"If you say so." sagot ni lolo. Imbes na paburan ako ay parang binibigyan pa nito ng idea si Aer.

LOVING KAIFER - MY ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon