Graduation day

14.9K 423 12
                                    

Aerriel's POV


Lumipas na ang ilang araw simula ng pagsasabi sa akin ni Kaifer ng pangungulila niya sa mga magulang. Sa bawat araw na nakakasama ko siya ay parang mas nakikilala ko pa siya. Bagamat madalas kaming nagtatalo ay parang paraan lang namin iyon para mapansin ang isa't isa. Para kaming aso't pusa. 

Hindi ko pa rin nakakausap sila mama at papa. 

Ngayong graduation day ay si Kaifer ang hindi mapakali at kinakabahan. Natapos na akong mag-ayos. Nag-apply ako ng light make up. 

At ang isusuot ko ay si Kaifer ang nagbigay. Ito ang bumili ng dress na suot ko. Galing niya ito sa California ng dinalaw niya ang kanyang lolo last week.

"See? Bagay na bagay talaga sayo yang blue dress. Kaya lang yang stilletos mo masyadong mataas. Dahandahan ka lang sa paglalakad mamaya baka madapa ka ha." bilin niya.

"Opo tatay! Kumag naman eh, 3 inches na nga lang ito. Dapat nga yung 5 inches na lang yung binili natin para naman magmukha akong matangkad!" angal ko. Nasa 5'4 naman ako kaya lang kapag kasama ko siya ay nagmumukha akong bansot, 6 footer kasi siya.

"Okay na yan. Di ba talaga kita pwedeng isabay?" tanong pa niya.

"Hindi nga. Eh di mahahalata nila kuya. Sumunod ka na lang. Hay mauuna na ako at baka malate pa ako sa graduation." paalam ko sa kanya. Hinatid niya ako hanggang sa cafe na malapit sa subdivision. Doon ko kasi balak magpasundo kina kuya Raniel at Yumi. 

Ilang minuto lang ay dumating na sila kuya. Magkakasabay kaming nagtungo sa pagdadausan ng graduation. Naroon na sila Tito Liam, Tita Sophia at Albie na nakasuporta kay Alaina. Dumating na rin si kuya Daniel kasama sila mama at papa na nasa tabi ni Merriel.

Medyo nakaramdam ako ng inggit sa kakambal. 

Humalik ako sa pisngi ni mama at papa. Hinayaan naman nila ako. Nakita ko pang naiiyak na si mama pero pinipigilan lang niya. Hinawakan ni papa ang aking kamay. 

"Congratulations baby. Im proud of you!" bati  sa akin ni papa.

"Thank you papa!" naiiyak na sabi ko.

Dumating na rin sina Tita Chloe at Tito Mike na siyang naghatid kay Charlotte. Pero nagulat ako ng makita si Kaifer sa likod ng mga ito na masayang nakatingin sa akin.

"Congrats Kutong lupa! Akalain mo yun nalagpasan mo ang apat na taon sa college. Tssk!" bati niya sa akin.

"Kaifer!" babala ni Tita Chloe sa kanya.

Hindi na nito sinundan ang pang-aasar sa akin. Humarap ito kay Alaina. "Congrats Alaina. Hehehe, pwede ka ng mag-asawa!" biro nito kay Alaina.

"Eh ako kuya?" tanong ni Charlotte sa kanya.

"Tssk, di ka pa pwedeng mag-asawa kasi di ka pa marunong magluto. Aral ka muna bunso!" biro nito sa pinsan.

"Hindi pa sila pwedeng mag-asawa no!" wika ni Albie.

"Eh ni boyfriend nga wala, paano kami mag-aasawa." sagot ni Charlotte.

"Ang higpit kasi nila kuya."angal naman ni Alaina. 

"Naku, tigilan niyo na nga yang usapang pag-aasawa. Magtrabaho muna kayo!" wika ni Tito Liam na sinang-ayunan ng mga kumpare nito.

Nang tawagin na ang mga graduates ay humiwalay na kami sa mga magulang at kapatid. Pumunta na kami sa nakareserve na seats sa amin.

Tuwa ang nararamdaman ko habang nagpapatuloy ang graduation rights namin. Sa wakas graduate na ako. 

Nang tinawag na ang pangalan ko ay masaya akong naglakad sa stage at inabot ang diploma. Napatingin pa ako sa gawi nila papa at kay Kaifer. Nakita ko pa ang pagkaway nito. 

LOVING KAIFER - MY ENEMYWhere stories live. Discover now