The Talk

15.8K 463 14
                                    

Aerriel's POV

Maaga akong nagising upang magpaalam kina kuya Raniel at Yumi na aalis na. Gusto ko ng bumalik sa bahay ni Kaifer. Gusto ko ng matulog sa kamang hinihigaan ko doon. 

"Dumito ka na muna Aer. " wika ni  kuya sa akin.

Agad akong umiling. "Hindi na kuya. At saka may kailangan pa akong gawin eh."

Sinaluhan ko lamang silang mag-agahan. Panay ang tingin ko sa may hagdan at pinto. Andito pa kaya si kumag?

"Umuwi na ba si kumag? Himala hindi ito nakikialmusal sa inyo. Sinayang niya ang libre!" wika ko.

Tumawa si Yumi. 

"May hang-over pa yun. Umalis din siya kanina paggising. Umuwi marahil." sagot ni kuya.

Hindi na ako muling nagtanong sa kanila. ang importante ay nalaman ko na nakauwi na siya. Matapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. 

"Ihahatid na kita." sabi ni kuya sa akin.

"Wag na kuya. Maglalakad lakad muna ako. Exercise , tsaka pag hinatid mo ako eh di malalaman mo na kung saan talaga ako nag-i stay. duh?" maarte kong tanggi.

Nung una ay ayaw pumayag ni kuya pero nadaan ko rin sa pakiusap. Pasimple kong pinapakiramdaman ang paligid ng masigurong walang tumitingin ay nagmadali akong pumasok sa bahay ni kumag.

Nakahinga ako ng maayos ng ganap akong makapasok sa gate.

"Ang tagal mo naman! Akala ko di ka na babalik." narinig kong wika ni Kaifer. Hinanap ng mata ko kung nasaan siya.

Nakita ko itong nakaupo hagdan sa gilid malapit sa front door. May hawak na tasa. Malamang nagkakape ito. Nilapitan ko ito at umupo sa tabi niya.

"Naku kumag lalo kang nagmumukhang bakulaw kapag nakasimangot. " pansin ko sa pagkakasimangot niya. 

Sa halip na sumagot o magreact sa sinabi ko ay umismid lang ito.

"Bakit ang tahimik mo kumag? " tanong ko. Pansin ko ang kape niya na bahagya pang umuusok. "Pahingi ako ng kape mo?" Hinawakan ko na muna ang kape na hawak niya bago ako nagpaalam.

Parang nabigla ito sa ginawa ko kaya wala sa sariling iniabot niya sa akin ang kape niya. Humigop agad ako. Masarap talaga itong magtimpla. Being a bartender dapat lang na magaling siya magtimpla.

Nakatingin siya sa akin pero mukhang tagos ang ito. 

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ko sa kanya. Pumitik pa ako sa harap niya para ibalik ang diwa nito.

Humawak siya sa balikat ko na ikinabigla ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Pilit kong inignora iyon. 

"Bakit di mo agad sinabi sa akin na ipapakasal ka pala kaya ka naglayas?" seryosong tanong niya.

Saglit akong natigilan.

"Wala naman akong ibang pinagsabihan. Siyempre maliban kay Merriel na sinabi rin nito kina Charlotte. Di ka rin naman talaga namilit na itanong sa akin ang dahilan." sagot ko.

"Di ka kinakausap nila tita at tito. Ganoon ba nila kagusto na pakasalan mo ang intsik na yun?" tanong ulit niya.

"Kung makapagsalita ka parang hindi din ako intsik ah! Hay ewan ko ba kung bakit gusto nila mama sa anak ng Mr. Ming na iyon!" sagot ko.

"Sabi ni Raniel, Si Mr. Ming daw ang may ari ng malalaking ospital sa China. I searched it in the internet and its true. Kapag nagpakasal kayo ng anak niya siguradong magmemerge ang kompanya niyo. Mas lalong lalaki ang Tan empire." seryoso pa rin nitong wika.

LOVING KAIFER - MY ENEMYWhere stories live. Discover now