Kabanata XXIV

Mulai dari awal
                                    

"Huh?" Tanong ko sakanya. I mean I get her pero parang may iba.

"I've talked to her before. Dinala na ako ni David sa bahay nila not because he want me to meet them but I think maybe for me to see how harsh they are." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. I didn't know about this. May ganong level na sila ng relationship ni David?

"I've felt what you felt before nung kinausap ka din ni Mrs. Wong. Ang kaibahan lang no one was there for me. Sabi ko nga parang I entered a lion's dungeon. David didn't even bothered to save me" kumunot ang noo ko at naiyukom ko ang kamao ko.

He did that to my cousin?! I hate myself for not able to protect her but I hate it more that David was there bringing my cousin then iiwan lang siya.

"I am so sorry.. wala ako nung mga panahon na yon" malungkot kong sabi at mabilis ko siyang niyakap. Narinig ko siyang napatawa pa.

"Ano ba yan Jas. Paiiyakin mo pa ata ako" natatawang sabi niya. Yinakap ko lamang siya. Na iimagine ko kung paano siya noong mga panahon na yon.

Ako nga na nasa sariling teritoryo ko ay parang hindi ko kakayanin. Siya pa na mag isa sa lugar na yon.

"Look who is here, ang dalawang nakikisiksik sa mga Wong." napabitaw ako kay Jade at nakita si Stephanie na pumasok sa Powder Room.

"Let's go Jade. Wag nating patulan" sabi ko at lalabas na sana nung hawakan niya ang kamay ko.

"Scared" nakangisi niyang tanong. Urg! I want to slap her. 

Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa akin at ngumisi din.

"Do I look like afraid? Ako na mahal ni Dylan ay matatakot sa iyong pinipilit lamang sakanya. No need, I am not" sabi ko at dumeretso sa labas. Kasabay kong nag lakad si Jade.

Ngumiti sila nung makita kami at mukhang masaya ang pinag uusapan nila pero napawi ang mga ngiti sa labi nila.

Natigilan ako nung may tumulak sa akin at dahil naka heels ako ay natumba ako ng mabilis.

"JAS!" narinig kong sigaw ng mga pinsan ko.

Masama kong tinignan ang tumulak sa akin at nakita ko si Steph.

Tumayo ako at pinuntahan siya. Sinampal ko siya ng malakas. 

"WHAT ARE YOU DOING?!" narinig kong sigaw ng mommy ni Dylan pero wala akong pakielam. Hindi ako natatakot. Buti na lang ay wala ng tao dito at kami kami nalang.

"Tita! She started it! Nilalandi niya kasi si Dylan kaya ang kapal ng mukha niya." lalong kumulo ang dugo ko. How dare she.

"Stephanie stop this" ma-awtoridad na sabi ni Dylan at hinawakan ang nakayukom kong kamay.

"Why Dylan? Totoo naman diba? She is a flirt!" nagulat ako nung may sumampal sakanya ulit. Si Jade iyon na kinagulat ko.

"You bitch! Liar! Wag na wag mong pag sasalitaan ang pinsan ko ng ganyan. Hinayaan kitang pagsalitaan ako ng masama kahit wala ka naman kinalaman sa kung ano mang meron samin ni David non pero hindi ko papayagan na sabihan ng ganyan ang pinsan ko. Dahil sa pagkakaalam ko ay ikaw ang gabi gabing nasa bar at nakikipag halikan sa iba't ibang lalaki" galit na galit na sabi ni Jade. What?! Pinakelaman niya si David at Jade.

"That is not true!" naiiyak na sabi ni Stephanie. 

"Ikaw nanaman?! Nilalandi mo rin ba ang anak ko?" natigilan ako sa sinabi ni Mrs. Wong. Napaawang ang labi ni Jade. 

Naiinis ako na wala man lang ginagawa si David.

"Excuse me po? Ako nilalandi ang anak niyo? Spare me because I will never do that. Yung dati? That was a mistake. Don't worry hindi na po mauulit. You don't need to regard me as a problem. Pero paki sabihan lang po itong manok niyo na dahan dahan sa pananalita. Pumuputol ako ng dila." deretsong sabi ni Jade at tumalikod. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Dylan. 

Tinignan ko siya at dahan dahan tinanggal ang kamay niya sa akin.

"Let's go" sabi ko sa mga pinsan ko at mabilis na sinundan si Jade.

"Josh? Nakita mo na ang nangyari. Bakit ka ba nakipag sosyo sa mga yon" narinig kong inis na inis na sabi ni Jasper.

Katok ako ng katok sa pintuan ni Jade pero ayaw niyang buksan ito.

"Jade! Kuya Jos to. Please let us enter." mahinahong sabi ni Kuya Jos pero wala pa rin.

"Jade! I am going to break this door!" sigaw ni Jasper.

"I am sorry guys.. I didn't know na ganito" narinig naming sinabi ni Josh kaya hinarap ko siya at ngumiti sakanya.

"Don't think about it. Bumalik ka na muna doon at ayusin ang dapat ayusin. We will be okay" sabi ko sakanya at nakita kong may pag sisisi sa mga mata niya.

"I will do my best to protect all of you" sabi niya at tumango naman ako. Umalis siya at nakita kong binuksan na rin ni Jade ang pintuan.

Umiiyak siya at hindi siya nahihiya sa amin na pakita kung gaano siya nasasaktan.

"Guys not now. Please" sabi niya habang umiiyak. Humikbi pa ito at sinara ulit ang pintuan. 

"I am going to kill that David! Lahat sila!" galit na galit na sabi ni Jerem pero hinawakan siya sa kamay ni Kuya Jos.

"We will.. we will kill them but not now" sabi ni Kuya Jos at ngumisi ito. 

"Go back to your rooms" sabi ni Ate Pin at tumango nalanga ako. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng pajama.

Paglabas ko ng banyo ay tsaka ko lang nakita ang isang bear doon. 

Linapitan ko iyon at napangiti. Can't we just be happy? 

Nakita kong may "Try me" sa kamay niya kaya pinindot ko iyon.

"Hey, right now.. I am looking at you in a coffee shop while I am in my car. I am in New York, having a meeting with your cousin. Do you know how I missed you? I even ask your cousin to do business with me para naman may malaman ako tungkol sayo. We became best friends and I told him everything. Tinulungan niya ako, he always tell me how are you and what you are doing. I am so sorry for everything. For being a coward and a boneless man. Sorry for my family, I am really sorry. Natatakot ako na iwan mo ako dahil sakanila. Please no, hold on and trust me. Sorry if I haven't been the best man for you but there is one thing that no man can beat me towards you. It's my love, I love you so much Jasmine that it's killing me slowly that we can't go out freely. I promise to do my best to protect you. I love you so much. I love you, I love you. It's really good to say it. I love you Jasmine. Urg! I am being corny again. See you soon" napatakip ako ng bibig ko at naramdaman ko ang pag tulo ng mga luha ko.

Dylan.. I love you too.. I love you so much.

Yinakap ko ito at humiga ako sa kama.

Yinakap ko ito na para bang magiging okay ang lahat sa yakap kong iyon. Wala akong masabi, lahat ng pangamba ko nawala dahil dito. He assured me somehow and I like it. 

I prayed that night, I prayed for guidance. I need strength to fight all of this. I hope at the end of the day..

Our love will win.

Facing The Legacy (FS # 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang