"Mas importante pa ba yan kesa kay Charlie?" singhal niya. Napatayo na ako sa sinabi niya.

"Bakit? Anong nangyari? Anong nangyari Charlie?"

"A-ano kasi bespren. Sinapak ni Louie si Nile," sagot ni Charlie na medyo namamaos pa.

"HA? Bakit mo sinapak si kuya Nile?" baling ko kay Louie.

Nakita ko naman ang biglang pagkairita sa mukha ni Louie. "Ewan ko sayo Sebastian. Ano? Sasama ka ba o kakaladkarin ka namin paalis dito?" banta niya.

"Eto na. Sasama na nga eh!" Kinuha ko na mga gamit ko. Agad namang naglakad palabas si Louie.

"Ano ba kasi talaga nangyari?" tanong ko kay Charlie habang palabas kami ng room. Ikinuwento naman sakin ni Charlie. May girlfriend na pala yung si kuya Nile. Ang kapal naman ng mukha nun para i-lead on si Charlie.

"Dapat lang sa kaniya yun!" sabi ko pagkatapos magkwento ni Charlie.

"Pati ba naman ikaw?"

"Tara na nga. Bilisan nating makahabol kay Louie. Ako na bahala sa pagkain."

"Talaga bespren? Hoho. Pakiss nga!" at akma niya akong hahalikan.

"Kadiri ka Charlie umayos ka nga! Subukan mo lang di na kita ililibre!"

"Ang KJ! Nagpapasalamat lang eh!"

Nakalimutan ko saglit ang problema ko. Or safe to say pansamantala ko munang kinalimutan. Mas kailangan ni Charlie ng karamay ngayon.

Bago kami dumeretso sa Timezone ay nag DQ muna kami at nag McDo. Buti nalang may dala akong extrang pera. Ansiba kasi talaga netong si Charlie eh. Inisip ko nalang depressed kaya ganoon. Pero hindi rin eh. Masiba parin talaga. At sinulit talaga yung panilibre ko ng pagkain sa kanila ni Louie. Buti nalang si Louie ang natoka sa credits namin sa laro.

Dahil sa goal namin ni Louie ang pasiyahin si Charlie, hinayaan naming siya ang mamili ng lalaruin. Nag-arcade kami, na lagi akong talo. Nag shooting kami, na sinuwerte na akong makalampas ng 10 yung score. Nag band master, guitar hero, Crisis II, Jurrasic Park, House of Living Dead -na sila lang ang naglaro kasi nag CR ako kaya hindi ako nakalaro at hindi dahil sa nakakatakot yung laro, lahat nalang ata nalaro namin.

Kakatapos lang namin mag Racing nang napansin namin ang mga taong nagkukumpulan sa isang sulok. Nang tingnan namin ang pinagkakaguluhan nila, Dance Central pala. Yung larong sayaw gamit ang X-Box Kinect.

"Bespren! Subukan natin yun! Mukhang masaya," aya ni Charlie habang hila-hila kami ni Louie papunta dun.

"Ayoko! Nakakapagod," tanggi ko.

"Sige na Chan-Chan!" pagpupumilit ni Charlie. Umiling ako kaya biglang nalungkot si Charlie.

Binatukan ako ni Louie. "Ang arte arte mo talaga! Nandito mga tayo para pasiyahin si Charlie tapos ganyan ka?"

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon