Chapter 48 Anxiety

3.4K 76 0
                                    

Chapter 48 Anxiety


***LENDON JOSH POV***

"ANALINE! ANALINE COME BACK HERE!" sigaw ng kambal kong si Nate Joshua habang walang tigil sa pagtakbo, kahit ako ay nakitakbo na rin. Sinusundan ko lang siya.


Papunta siya sa gate kung saan may nakatigil na sasakyan sa labas. Kahit may kalayuan sa amin, natitiyak ko na si Analine ang babaeng iyon. Natitiyak ko na nakatingin siya sa amin.


Bago pa man marating ni Nate ang kinaroroonan ng babae niya, nakaalis na ito. Ngunit hindi parin tumigil ang makulit kong kakambal, hinabol parin niya ito hanggang sa labas. Samantalang ako? Tumigil na. Nakakapagod kaya ang tumakbo.


*Inhale


*exhale


*Inhale


*exhale


Oo, nakiki-inhale-exhale na ako. Parang kinapos yata ako ng hangin. Malamang kulang sa exercise.


Tila nahahapong sinulyapan ko ang gate, nakatayo sa gilid ang guard habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa amin. Malamang takang-taka siya. Saan ka naman makakakita ng naka-beast mode na tumatakbo sa kailaliman ng gabi. Buti sana kung may nagaganap na marathon, kaso wala naman.


Tsk! =__=


"Ang bilis talagang tumakbo ng kambal mo Josh!" wika ng asawa ko habang sapo din ang dibdib. Nahawaan ko yata.


Mukhang kailangan na naming mag-exercise! =__=


Tango na lang ang iginanti ko at muling sinulyapan ang labasan.


"Tara na." I look again at my beautiful wife. She's making one step forward. "Baka napano na yun." This time nilagpasan na niya ako.


Parang ano, gusto kong mainis. Ewan ko ba kung bakit, basta nayayamot ako sa asawa kong ito. Aalis kaagad ng hindi man lang ako hinihila.


Tss! =__=


"Bilis!" muling tawag niya at tumakbo na naman.


Iling na lang ang ginawa ko at sumunod na naman. Nang makalabas na kami pabalik naman si Nate. Kumbaga papasok. Para itong baliw na nagbaba-back in fort.


"Nate!" tawag ko sa kanya kaso parang wala lang siyang narinig. Laking gulat ko nang hinablot ni Nate ng walang pasabi ang kwelyo ng damit ni Manong Guard. Marahas niya itong hinila at tila nagbabaga ang mga matang tinitigan ito.


"Why did you let her go?!" Niyugyog niya si Manong.


BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now