Chapter 7 Facts

4.6K 108 0
                                    

Chapter 7 Facts


***ANALINE POV***

"MOM, is he really our dad?" tila manghang tinitigan ni Nate ang picture ni Nate Joshua. Ipinakita ko sa kanya ang old picture nito pati ang picture niyang gulat na gulat nang makarating na kami sa bahay.


Wala akong balak na mag-emote ang dalawa don sa taxi. Hiyang-hiya naman ako kay Manong diver. Tama na yung nag-emote ako kanina sa unang sinakyan ko. Kalabisan na ang pangalawa.


Marahan ang ginawa kong pagtango. Gusto kong matawa nang nakiagaw si Nathy. "Ang gwapo ni Dad." ^__^


"Magkamukha kami." *Nate


"Kami ang magkamukha!" *Nathy


Parang gusto kong mainis. Dati-rati pagmumukha ko ang pinag-aagawan ngayon ay nakiki-DAD na?! Nasaan ang hustisya? >__<


"Me!" giit ni Nate


"No, me!" giit din ni Nathy


Panay lang sila sa pag-aagawan. Sa sobrang inis ko nakihila na rin ako ng picture.


"MOM!" angal ng dalawa.


Ay, grabi. Sarap batukan ng dalawa! Kung makaangal wagas! +__+


Tinitigan ko sila ng masama. Si Nathy, nag-cry-baby-face, si Nate naman ngumuso. Nanghihinang ibinigay ko sa dalawa ang picture. Muling nagtawanan ang dalawa.


Tsk! Kung hindi ko lang mahal ang dalawang ito. Ewan ko na lang! =__=


"Mom... where is dad?" biglang tanong ni Nate. Nakaramdam ako bigla ng panlalamig sa katawan.


Paano ko sasabihin na may iba ng pamilya ang papa nila?!


"Mom?" ulit ni Nate.


Nagpakawala ako ng iang buntong-hininga, sabay sapo sa pisngi niya. "You will meet him soon... But not now baby..."


"Why mom?" Tanong ni Nathy with matching sad face.


I can't turn them down. I can't! >__<


"C-Coz he's on States right now..." Kitang-kita ko ang lungkot na bumalot sa katauhan ng dalawa. I can't let them down. "H-he'll be back soon. Once he comes back... tayong tatlo ang sasalubong sa kanya." Pilit akong ngumiti sa kanila. Ayokong magsinungaling kaso ayokong saktan silang dalawa.


"Promise?" naniniguradong tanong ni Nate. Itinaas niya ang daliri. Gusto niyang mag-pinky swears ako. Hindi ko mapigilan ang matawa.


"Promise." inabot ko ang daliri niya at pinagdikit ito. "Halinga kayong dalawa... Payakap si Mommy." ibinuka ang mga kamay. Nagsilapit naman ang dalawa. Niyakap ko sila ng buong higpit. "I love you both."

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon